RANZ KYLE's POV
"-PIZZA!!"
Wait. Pizza?! Saan?! Saaaaa-aaaaaannn?! Sa kabilang bahay?
Teka nga...
Boses ng Chicser 'yun!Bakit naman nasa kabilang bahay sila eh pwede naman dito sa bahay namin?
Sino kaya yung nakatira 'dun?Tumayo ako sa kama at nagbihis ng maayos. Pupunta nalang ako sa kabilang bahay baka nandun nga yung Chicser at makikikain narin ako, pang wala ng stress. Aalamin ko na din kung sino ang nakatira doon, curious lang.
Pagkatapos kong magbihis ng napakatagal. Yes, alam kong napakatagal kong mag-ayos at mag bihis. Nagpaalam na ako kay mommy at lumabas na. Sakto namang huminto yung delivery ng pizza sa tapat ng bahay ng kapitbahay namin. So pizza nga yung narinig ko kanina.
"Woaahh!" Ang dami nilang in-order. Ten squad size pizza! (A/N: hindi ko po alam kung may ganun talaga.) I'm going to enjoy this.
Nang makarating ako sa tapat din ng kapitbahay namin... "Kuya!" Tawag ko. Tumigil naman ito sa pagaayos, tumingin sa akin at nagulat. Si kuya Ermesto pala, yung laging nagde-deliver sa akin ng pizza! Madali nalang ito.
"Kuya Ermesto, ako nalang po yung magbibigay nitong pizza." Sabi ko kay kuya Ermesto tapos tinignan ko sya nang may pagmamakaawa.
"Ahh sige po sir Ranz, kayo na po bahala. Sila sir Ully naman po yung nag-order niyan." Sabi ni kuya Ermesto. Biglang nagkaroon ng liwanag sa mga mata ko nang biglang sabihin ni kuya na sila Ully yung nag-order nito. How great!
Kumatok ako at dahan dahan nilang binuksan yung pinto.
"Mr. Bull-
RANZ?!"
Sigaw nila Ully sa akin. Gulat siguro sila na ako yung nakita nila, lalo na si MJ.
MJ?!
As in Michaela Jane?!
Anong ginagawa ni MJ DITO?!Na-stock narin ako sa kinatatayuan ko.
Mabuti nalang at pinapasok ako nila Vanna. Pinalibot ko yung mata ko sa buong kabahayan. Maganda sya, maliit sa labas po ang laki sa loob. Ang galing ng interior ng bahay. May pagka-antigo yung design pero maganda, tsaka puro paintings. Kanino 'tong bahay? At sinong nagdesign? Very artistic nyang tao."Ranz! Wohoo! Nasa earth ka na ba?" Biglang may nagpitik sa noo ko na kinagulat ko. Si Biboy lang pala.
"Ay sorry! Ito oh pizza na pina-deliver nyo. Ako na nagbayad. Libre ko na kayo!" Isa-isa naman silang nagpasalamat dahil ngayon lang uli daw ako nanlibre. Sorry naman. Lahat na sila kumilos pero si MJ tulala parin.
"So bakit ka napadpad dito sa bahay ni MJ?" Tanong ni Ver sabay kuha sa isang slice ng pizza at kagat dito.
Napatigil ako sa kinakain ko ng marinig ko yung sinabi ni Ver. "Bahay ni MJ?!"
"Oo!" Sagot nilang lahat maliban uli kay MJ na gulat na gulat, 'ni hindi pa sya kumukuha ng pizza AS IN tulala pa sya. Napatango nalang ako sa sagot ni Ver.
Dito lang pala sya nakatira sa kabilang bahay.
"So paano nga Ranz?" Tanong ni Biboy.
Mabilis ko itong sinagot ng...
"Nakarinig ako ng malakas na sabi ng pizza galing dito." Nagulat silang lahat at binigyan ako ng weird look."Ganoon ka na ba ka-adik sa pizza? At ganoon kalakas ang pandinig mo? Dahil narinig mo iyun mula sa kabilang street." Sabi ni Cav na may kasamang nakakalokong mukha.
BINABASA MO ANG
THE NERDY GIRL FALL IN LOVE (RANZ KYLE FANFICTION)
FanfictionPaano nga ba magmahal ang isang Nerdy Girl? Ang kakaibang babae? Paano kung hindi nga talaga siya isang normal? Paano nangyari 'yun? Lahat ng iyan ay maari nating masagot sa kwento ni MIchaela Jane Orsolino Basa sa The Nerdy Girl Fall In Love