"Uy friend, alam mo ba yung napanaginipan ko kagabi. May kausap akong matanda sa paa ng Mt. Mortem. Kinuwento niya yung history nung bundok kaso naputol eh." ang kuwento ni Jerlyn.
"Jerlyn, nagbibiro ka ba? Yan yung panaginip ko kagabi" sagot ni Erwin
"Ang weird. Ganyan din yung akin. Baka naman destiny kaya nanaginip tayo ng ganyan. Pahiwatig ba na aakyat tayo doon." sagot ko sakanila.
Habang nagkukuwentuhan kaming lahat. Bigla nalang dumating si Melody, ex ko.
"Hi guy's" sabi ni Melody.
"Oh, andiyan ka na pala Melody. Kumain ka na?" tanong ni Erwin
"Sakto, hindi pa! Ano bang order natin diyan?"
"Ahahahaha, wala pa nga. Inaantay pa namin yung ibang kasama." sabi ko.
"Kasama? Saan? Pwede maki-join?" tanong ni Melody.
"Oo naman, basta hindi ka mapapagod"
"Kahit saan pa yan, di ako mapapagod! Saan ba yan?"
"Mt. Mortem."
Nang binanggit ko ang Mt. Mortem, nakita ko sa pagmumukha ni Melody ang kaba at takot.
"Bakit Melody? May mali ba sa sinabi ni Marc?" tanong ni Erwin.
"Oo nga, bigla kang nanigas at pinagpawisan diyan. Upo ka muna." sabi ni Jerlyn.
Hindi na nagsalita si Melody hanggang sa dumating si Aileen, ang aking girlfriend.
"Hi Melo- wait? Melody, ok ka lang? Bakit parang ang tahimik niyo?" tanong ni Aileen.
"Pano, kinabahan ba naman si Melody nung binanggit ng bf mo yung Mt. Mortem" sabi ni Erwin.
"Huh? Eh ano ba kasi nangyari doon at nagkaganyan si Melody?" tanong ni Aileen.
"Pwede mamaya nalang sa kotse tayo mag-usap? Kain muna tayo." sabi ko.
Habang kumakain kami, parang nabalisa bigla si Melody. Nakatulala, parang hindi siya aware sa nangyayari. Medyo nagduda ako kaya pinuntahan ko ang tita ni Melody.
BINABASA MO ANG
Mountain Of Death
Terror© 2016 All Rights Reserved My first horror story. There are group of mountain hikers that will climb a mysterious mountain called Mt. Mortem. According to the residents near that area, that mountain is where a latin woman was killed and seeking for...