Chap 12: CONFIRMED.

31 4 2
                                    


Dedicated po to kay yuudai-kun. New friend ko sa wattpad. Thanks Yu! Pasensya na ito lang nakayanan ko.

CHAP 12: CONFIRMED

"Good morning.. PHILIPPINES! " pangagaya ko sa isang commercial sa TV sabay inat ng dalawa kong kamay paitaas. *yawn* Anong oras na ba? 9:37 , hmm masyado pang maaga.

Time check is brought to you by *** Ay charot .. Radio station lang ang peg. ^___^ may TV na may radyo pa ! Kumpletong-kumpleto , gaya ng araw ko hihi.

Feel na feel ko ang magandang energy na bumabalot sakin ngayon. Kaya wag kayong epal kung abot tenga ang ingigiti ko ngayon sa buong world okay? Baka maging Jacob the werewolf ako version 2.O tahahaha..

Haaay ang sarap sa feeling ng ganito palagi. Yung worry-free ka, ang gaan sa pakiramdam.

Ewan ko, pero parang may magandang mangyayari sa araw ko ngayon. Hmm well see ..

Ngiting-ngiti parin ako habang kinukuha yung muta ko XD. Ang weird talaga , siguro pang-bawi narin to sa depression ko last month, which was about kay Mitzy, sa mom nya , sa mom ko at kay daddy and mostly about kay panget, na hindi ko talaga ma-assure yung feelings ko para sa kanya. And about Mitzy .... Well ayoko muna isipin sila ngayon, mai-istress na naman yung beauty ko. I just wanna look fresh and be energized for the meantime, or kahit ngayon lang.

Pumunta ako sa cr, para manghilamos, tinatamad ako maligo haha, hindi mamaya muna. Napatingin ako sa salamin, kunti nalang yung 5 layered eye bags ko at mas lumiwanag yung mukha ko ngayon.

Naala ko tuloy nung sinundan ko si Mysterious Guy.

Flashback

Nasundan ko pa sya palabas ng academy, buti nalang at umabot pa ako. Lumiko-liko sya sa kung saang eskinita at nawala na sya paningin ko. Nilingon lingon kp sya kong saan saan pero di kp na talaga makita kung san sya pupunta. Wala na, wala na talaga. Makauwi na nga lang , napagod pa tuloy ako.

"Are you looking for me?" natulala lang ako nung nakita ko na sya sa harap ko. Ang gwaping talaga nya, makalaglag garter parin yung appeal nya at ang sarap pakingan ng boses nya. "I know kanina mo pa ako sinusundan. Why ? Miss Benavides. " mas linapitan nya pa ako dahilan para mapa-atras ako. Lapit sya ng lapit atras naman ako ng atras hanggang sa wala na talaga akong maatrasan. Kinorner na nya ako sa dalawa nyang kamay. Napalunok na lang ako , ang bango nya at mas gwapo pa sya sa malapitan.

"G-get a-way f-from me !" i still managed to utter a word kahit pati yung dila ko natatakot din sa posible nyang gawin.

Hinaplos nya yung mukha ko gamit ang likod ng palad nya. Tinitigan nya ako mg maigi and his touch made me shiver. "You look pale Carliegh. You need a good retouch. " nakakaewan yung sinabi nya. Gusto ko nang maniwala na straight talaga sya. Pero bumalik ulit yung pagdududa ko sa sinabi nya. Ngumisi lang sya. Hindi ko sya mabasa kahit na nakikita ko na yung mga mata nya ng mas malapitan. "I know what was running in your mind beautiful lady. Are you thinking about me, being bisexual? " tumawa lang sya ng mahina at finally lumayo na din sya sakin. Feeling ko masu-suffocate ako sa ginawa nya. At kapag di pa nya nilayo yung sarili nya sakin, di na ako makakahinga at magc-collapse ako dito sa mismong harapan nya.

"I'm sorry for giving you that tought. Narinig mo ko kanina diba? Actually kausap ko yung GIRLFRIEND ko, Ms. Benavides listen. Kapag nagmahal ka, mababakla ka at kung ano-ano na ang kaweirdohan ang magagawa mo para mapasaya mo lang yung taong mahal mo." ang lalim naman nun. Kita ko naman sa mata nya na may pinangaglingan yung mga sinabi nya. Pero bakit parang may mali? May part sakin na gusto kung maniwala sa kanya, pero may nagsasabi sakin na nagsisinungaling lang sya. " Kaya kung ano man yung narinig mo mula sa bibig ko. Can you please stop thinking about that ? I don't wanna add in your frustrations. Let me tell you. STRAIGHT ako at hindi ako bakla okay? Hindi. Ako. Bakla. Hindi. "
he gave me a very genuine smile.

I Fell In Love With My Bestfriend (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon