Bestfriend

55 5 3
                                    

Dedicated to my dearest bff CoookieDoo. Huehue. Pagpasensyahan mo na kung etchos lang ang oneshot na ito. Ayaw pa kasing magtino ng utak ko XD Btw, real name mo nilagay ko para mas feel mo XD haha. Yun lang naman te, enjoy!

Vishna's POV

"Vj, sandali!"ang boses na yun...

*lub dub*

Dahan-dahan akong lumingon para siguraduhin kung sya nga ba talaga ang tumawag sa aking pangalan.

At hindi naman ako nagkamali.

Dahil sa aking paglingon, para bang natigil ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa at tanging sya at ako lamang ang patuloy na gumagalaw sa aming sariling mga paa.

Tila bumagal ang lahat. Ang paglapit nya sakin, ang pagkaway, at ang pagngiti na mas lalong nagpatindi ng kabog ng aking puso.

"Kihyun..."

"Vj!"

"Kihyun..."

"Uy! Vj!"

"Kihyun..."

"Vishna Jamayne Tanzon! Nasa earth ka pa ba?"

"Oo, Kihyun, mahal-aray!"

Nagising na lamang ako sa aking diwa ng pitikin ni Kihyun (my loves. Huehue) ang aking noo gamit ang kanyang malambot na kamay na dati ko pa gustong-gusto hawakan. Kasi naman, braso nya palang ang nahahawakan ko. =3=

"Eh kasi naman po, tulala na naman ang bestfriend ko. Bakit parang napapadalas yata ang pagiging tulala mo? Hmm...let me guess. Crush problem ba yan? Uy! Si Vj may crush na! Hahaha!"kung alam mo lang, Kihyun na ikaw ang problema ko. Yung puso ko, tuluyan ng nahulog sayo at hindi ko na magawang i-angat pataas at muling ilagay dito sa dibdib ko.

"Tse! Wala akong crush. Pero meron na kong mahal..."syempre hindi ko nilakasan yung part na 'meron na kong mahal'. Mahirap na no. Baka mapaamin ako bigla.

"Ano yun, Vj?"tanong ni Kihyun bebe at tsaka ako inakbayan. EMEGED. You don't do that to me, Kihyun!

"W-wala! Nga pala, bakit mo ko tinawag?"

Napangiti sya at tsaka sinabing,

"Namimiss lang kasi kita, bestfriend." that 'bestfriend '... </3

"E-ewan ko sayo! Parang magkasama lang tayo kanina, namimiss mo na ko agad? Pasensya na, Kihyun pero hindi kita namimiss. H-haha.."sabi ko at pilit na ngumiti.

Nagpout naman sya bigla pero agad din pinalitan ng ngiti at tsaka ipinatong ang kamay sa ulo ko.

"Haha! Baliw ka talaga.."sabi nya at muling umakbay sakin.

Hi people. Ako nga pala si Vishna Jamayne Tanzon a.k.a 'Vj'. 4th year highschool sa mataas na paaralan ng *****. At umiibig na sa edad na labing-anim kay Kihyun honey bunch.

At ang lalaking nakaakbay sa kin ngayon ay walang iba kundi si Yoo Kihyun, at sa kasamaang palad, bestfriend ko.

Yung pakiramdam na ayaw mong ma-bestfriend-zoned pero wala kang magawa dahil ayaw mo namang masira ang relasyon nyo bilang magbestfriend?

Maniwala kayo guys, mahirap ang sitwasyon ng taong umiibig sa kanyang bestfriend lalo na kung alam mo naman na ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa.

*sigh*

"Nga pala, Vj, magkita tayo mamaya sa likod ng school tapos ng klase. May gusto lang sana akong sabihin..."

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon