***Cellphone Alarm Clock Rings***
*Gumising*
*Pinatay ang alarm*"@#$/^&! Panaginip lang pala lahat yon? Hahaaaays! Palagi nalang bang ganito? Sa panaginip lang sya maging akin?"
Bumangon ako at lumabas ng kwarto para mag-agahan. Malapit lang ang bahay namin sa paaralan pero lagi akong nala-late. Haha.
"Harry. Hali ka na anak. Kain na tayo."
"Sige nay. Si tatay po?"
"Maaga siyang umalis ngayon. Para makapag overtime siya mamaya. Kailangan talaga natin ng pera."Pagkatapos kong kumain ay agad akong naligo't, nagbihis at syempre, nagpapogi para mapansin ni crush.
*sa jeep*
"Oh may isa pa. Doy doy may isa pa! Hali na!"
Sumakay ako dahil late na ako sa klase. Akala ko meron pa talagang mauupu-an, yun pala, sisingit lang. Si manong konduktor naman parang gustong makatikim ng malamdamin kong hugot lines. Pwes. Bibigyan ko sya.
"Manong. Puno na. Hindi ka ba kuntinto sa buhay mo? Bakit mo pa ipasisingit ang iba kung hindi na pwede? May pinakabit ka pa oh!"
Daming tawa sa mga pasahero. Mas natatawa yong driver dahil malapit ako sa kanya. Haha. Oh ano? Gusto pa niya?
*sa paaralan*
Kasama ko ang aking mga kaklase sa classroom. Sila Girlie at Kiette. Itong si Girlie, lagi akong tinutulak sa tuwing dadaan si crush. Ito naman si Kiette, siya ang sisigaw nang aking pangalan tuwing dadaan si crush. Ang ganda no? Kompletong kompleto. May tutulak at may sisigaw. Edi wow. Haha.
May kalink ako. Nakalimutan ko kung paano ito nag simula. Siguro sa sobrang pagod. Ang tawag nila sa amin ay "Papa bear at Mama bear". Galing sa isang teleserye. Meron din naman kaming Care bear. Close kami ni Mama bear at Care bear. Close sa text. Diba yan ang uso ngayon? Close sa text pero sa personal hindi.
Kaya may isang araw kinausap ko sila sa personal. At doon. Di lang sa text nag uusap. Pati na din sa personal.
Habang tumatagal. Naging close na close na kami ni Care bear. Laging nag tetext. Halos ubos ang oras sa kakatext namin. Alam niya kung sino yong crush ko. Alam ko din yong crush niya.
May isang gabi na tumawag si Care bear.
"Kuya Harry. May aaminin ako."
"Ano ang aaminin mo?"
"May crush ako. At alam kung di sya magkakagusto sa akin dahil may iba siyang gusto."
"Sino naman yang swerteng lalake?"
"Ikaw kuya Harry. Wag kang mabibigla."Syempre nabigla ako at alam kung may iba akung gusto. Kaya sinabihan ko no na tigilin na nya yong nararamdaman niya dahil ayaw ko na masaktan sya.
Mga ilang araw ang lumipas. Friends pa naman kami. Close pa din. Medyo awkward medyo pero nawala na dahil may iba na daw siyang crush. Masaya naman ako dahil may iba na siya. Ayaw kung masaktan sya..
.
.
.
.
.
**Christmas break**Pumunta kami sa Bohol. Habang kami ay nagbabakasyon unti-unti kung tinatanggap ang katotohanan na crush ko lang talaga siya. Doon lang. Hanggan crush lang.
Nag tetext pa din kami ni Care bear. Close pa rin. Parang walang pinagdaanan na awkward.
.
.
.
**Cellphone Alarm Rings**"Good morning Care Bare. Kumusta ang tulog mo? Have a nice day! :)" text ko sa kanya.
Hinintay ko yong reply pero walang dumating.
"Okay ka lang? Busy ka?" Text ko ulit sa kanya.
Hindi pa rin. Wala pa rin. Palagi nalang "rin" joke joke. Haha. Ayon. Tinawagan ko. Di sumasagot.
Naghintay ako buong araw. Tinanong ko yong mga kaklase niya. Di rin nila makontak. Wala rin silang alam. Kinakabahan na ako. Natatakot. Naabala na. Hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi na alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Baka ganito. Baka ganyan. Puros nalang "Baka" ang nasaisip ko. Hindi Cow ha. (Corny) haha.
**Beep beep**
Oy may nag text. Inaunlock ko palang ang screen lock, bumibilis na ang tibok ng aking puso sa sobrang kaba. Panay ang aking dasal na sana siya yung nag text.
Dahil sa mga pangyayari. May na realize ako. Pilit kung pinipigil ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit. Dahil dito, nalaman ko na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
May powers ako.
.
.
.
.
..
.
.
..
.
Na may gusto pala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hanggang "Sana" Lang
Teen FictionMinsan kailangan natin piliin kung ano ang tama kaysa sa ating nararandaman.