Nicole's POV
"Sino yung susunod?" Tanong sa akin ni tita Flor
"Si Ms. Salvador po tita. Magpapacheck up lang daw po ng ngipin niya." Ako
"Okay. Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Mejo nahihilo ako." Tita Flor
"Sige po tita. Magpahinga na po muna kayo. Tatawagin ko na lang po kayo pag may emergency." Ako
"Sige. Salamat Nicole." Tita Flor
Pumasok naman si Ms. Salvador.
"Okay. Humiga lang po kayo dito." Ako
Sumunod naman siya sa pinayo ko sa kanya at tinignan ko na ang ngipin niya.
Pagkatapos kong tignan ang ngipin niya at bigyan siya ng mga advices, lumabas na siya.
Tinignan ko kung sino ang susunod.
Mr. Ocampo.
Walang reason kung bakit siya pumunta dito. Baka magpapacheck up lang din o di kaya'y kilala na ito ni tita kaya alam na tita kung ano ang pakay ni Mr. Ocampo.
Narinig kong bumukas ang pinto at ang higaan ng pasyente. Nakatalikod kasi ako sa pintuan.
Wala pa nga akong instructions, humiga na siya agad.
Humarap ako sa kanya at magtatanong na sana.
Parehas kaming nagulat.
"Nic?"
"Jack?"
Agad siyang lumapit sa akin.
"Nic! It's good to see you again!" Jack
Niyakap niya ako.
Biglang bumukas ang back door kaya agad ko siyang tinulak palayo sa akin. Ako at si tita lang kasi ang dumadaan jan. Baka makita niya pa kaming dalawa na nagyakapan. Pagalitan pa ako.
Nagulat si Jack sa pagtulak ko sa kanya.
Pumasok si tita.
"Jack! Kamusta ka na? Ang tagal mong hindi nagpapacheck up dito." Tita Flor
Magkakilala na nga sila so alam na ni tita kung bakit andito si Jack at suki niya pala ito.
"Doc! Namiss kita doc!" Jack
Tumawa si tita.
"Ikaw talagang bata ka. Sige na. Humiga ka na jan." Tita Flor
Tinignan ako ni Jack at humiga na siya.
"Okay na po ba kayo tita?" Ako
"Okay na ako. Last na ba si Mr. Ocampo sa nakaappointment ngayong umaga?" Tita
"Opo tita." Ako
"Pamangkin niyo po siya doc?" Jack
"Ah oo. Si Nicole. Magkasing-edad lang kayo nyan. Balang araw mapapasakanya rin tong clinic na ito. Sumunod sa yapak ko eh." Tita
Tita. Quiet lang po kayo.
Ngumiti si Jack.
"Mas magiging suki na pala ako dito doc. Schoolmate ko po kasi si Nicole nung high school pa lang kami. Hahaha.." Jack
"Oh talaga? Hahaha.. Bakit parang hindi kayo magkakilala? Ang tahimik mo Nicole." Tita
"Oo nga po doc eh. Samantalang noon, ang ingay nyan tsaka lagi akong inaaway." Jack
Shit ka Jack!
Magsasalita pa sana siya pero inilawan ko na ang mukha niya kaya tumigil siya.
"Tita, bilisan na po natin. Magaalas dose na." Ako
BINABASA MO ANG
He's Mine. She's Mine.
Ficção AdolescenteSundan ang story ng mga magbabarkadang sina Rebecca, Queenie, Hyacinth, Jennifer, Nicole, Charilou, at Emerald kasama ang pitong nagagwapuhan na mga lalaki na sina Tristan, Kim, Christopher, Alex, Oliver, Jack, at Ricco.