1) Babalik

1.9K 75 5
                                    

Vice's POV


Kailan ba nagsimulang matapos ang lahat

Kaya ba ang anumang hindi pagtatapat
Aminado sigurado di gaanong nagampanan
Ang pangakong ginawa ko ay lalo kang nasaktan



Naalala mo pa ba noon? Kung paano natin ipinaglihim sa kanilang lahat ang relasyon natin. Isang bagay na napakahirap gawin, pero sumugal tayo dahil alam natin na mahal natin ang isa't isa. Napakaraming problema ang hinarap natin, pero hindi tayo sumuko. Nung araw na pinaalam natin sa lahat, ang dami rin nilang sinabi tungkol satin. Negatibo o positibo. Hindi naging mahalaga sa'tin kung anong tingin nila, dahil talagang mahal kita at mahal mo ako.

Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, malaya na tayo. Magagawa na natin sa publiko ang mga bagay na dati sinasabi nating sa atin lang. Mahahawakan ko na ang kamay mo kapag lumalabas tayo, makikiss na kita oncam man o offcam ng walang may tumututol, at sa wakas ay pwede na kitang lambingin 24/7 ng walang alinlangan. Ang saya natin. Kulang nalang, suotan na kita ng singsing sa daliri mo. At wala akong pakealam sa sasabihin nila kahit bakla ako. Ang tanging alam ko lang ay mahal kita. Mahal na mahal.



Ang simoy ng hangin na lamang ang tanging
Kayakap sa piling ng napiling iwanan ka
At wag ding ang buhay may taning
Di kayang sabihing madali ring bitawan ka
At ngayon masaya ka na sa kanya
At sakin hindi ka na muling babalik
Babalik babalik babalik pa



Pero sinayang ko ang lahat. Dahil sakin, nawala ang lahat. Pinili ko ang isang lalakeng niloko lang naman ako. Nauto ako, at nadala ako sa mga pinagsasabi niya na puro kasinungalingan lang naman pala. Napakasakit, lalo na't tinaboy pa ako ng harap-harapan sa mga kaibigan niya. Ikinahiya ako. Kasi bakla lang daw ako, at hindi naman pwedeng mabigay ko sa kanya ang kaligayahan na gusto niya. Akala ko rin siya talaga ang gusto ko kaya iniwan kita, pero sa tuwing kasama ko siya, ikaw pa rin ang iniisip ko. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko.

Nasaktan kita ng sobra, araw-araw magkasama tayo sa trabaho pero hindi man lang tayo nag-uusap ng pormal. Maliban nalang pag nasa stage na tayo. Ang hirap maging professional kung sa loob ko'y durog na durog ako na nakikita kang tahimik at malungkot. Minsan makikita nalang kitang pinapatahan nila sa sobrang pag-iyak mo, at wala naman akong magawa kundi ang lumayo at hayaan ka. Hayaan na silang pagaanin ang loob mo. Para saan pa na lalapitan kita kung ako naman mismo ang dahilan ng pag-iyak mo?

Lumipas ang dalawang taon. At unti-unti na rin tayong bumabalik sa dati. Nag-uusap na tayo, naghaharutan na parang dati. Naging magkaibigan na ulit at dedma na sa lahat ng kung anong meron tayo noon. Kailangan okay tayong dalawa for the fans na hindi tumigil sa pagsuporta sa'ting dalawa. Patuloy naman ang panunukso mo sa pananamit ko. "Akala ko ba girl ka? Bakit ganyan ka pumorma?" isang ngiti nalang ang isasagot ko sa'yo. Ano ka ba. Simula't sapul, ikaw naman ang dahilan nitong pagbabago ko.

Sa dalawang taon, ay may nakilala ka. Rinig ko'y isa siyang bokalista ng isang banda. Minsan na rin natin siyang naging guest sa show natin at inaasar-asar ka pa namin minsan. Nagulat nalang ako, nang ibinalita mo samin na nagkakagustuhan na pala kayong dalawa.

At naging kayo nga.



Meron bang nadarama di lang pinapansin
Meron bang natitirang labis na pagtingin
Aminadong di masyadong sigurado ng nagpapasya
At malabong maging tayo muli pagkat wala ka na



Hanggang sa isang araw masaya kang pumasok sa trabaho natin. Ang laki ng mga ngiti mo, ang ganda ng kislap ng mga mata mo. "Anong meron? Ba't ang saya mo today?" tinanong ka ni Vhong. Tahimik ka lang, tapos bigla kang tumabi kay Anne sa sofa. Niyakap mo ang mga braso niya na tila ba isa kang bata na nakatanggap ng isang bagong laruan. Kinukulit ka lang nila pero hindi ka kumikibo. Kunwari naman, abala ako sa pagtetext sa cellphone ko pero yun pala naghihintay din ako sa sasabihin mo.

Isang tili nalang din ang nagawa ni Anne pero di parin ako tumingin sa'yo. "OH MY GOD!!! CONGRATULATIONS!!!" dahil dito sumulyap ako sa'yo, nakita kong hawak niya ang kamay mo at isang bagay ang kumuha ng atensyon ko.

May singsing ka na sa daliri mo.

Siniko naman ako ni Billy, at wala akong ginawa kundi ngumiti sa kanya para sabihing okay lang ako. Tumayo ako, nilapitan ka at binulungan. "I'm so happy for you.. Congratulations Kurba."

Hindi ko nakayanan. Tumayo ako at mabilis na kinulong ang sarili ko sa dressing room ko. Doon ko nilabas ang galit at pagsisisi ko. Bakit pa kita pinakawalan? Ang laki kong gago para ipagpalit ka sa isang taong hindi naman tanggap ang pagkatao ko. Ang gago ko, sinayang ko ang isang kagaya mo. Ang isang napakagandang relasyon, sinira ko dahil sa katangahan ko.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Masaya ka na sa kanya. Masaya na kayo sa piling ng isa't isa, at nakikita ko yan sa mga mata niyo.

Eto na ako ngayon, nakaupo lang sa kwarto at tinitingnan ang mga masasayang larawan niyo ng asawa mo.

Ang asawa mo na sana'y ako.



Patuloy mang magsisi di na mababawi
Araw-araw sa 'king pag gising
Habang buhay na dadalhin
Ang simoy ng hangin na lamang ang tanging
Kayakap sa piling ng napiling iwanan ka
At wag ding ang buhay may taning
Di kayang sabihing madali ring bitawan ka



Ang laki ng panghihinayang ko, na kung di kita pinakawalan ay sana ako ang kasama mo sa disneyland. Ako ang kukuha ng mga pictures at videos mo habang sumasayaw ka na parang bata. Ako sana ang kasama mo sa beach, at ako naman ang waterboy mo na tagadala ng water jug mo dahil nagjjogging ka. Sabay punas din ng mga pawis mo dahil sa sobrang init ng lugar. Ako sana ang katabi mo sa eroplano ngayon habang pauwi ka ng Pilipinas pagkatapos ng isang mahabang bakasyon mo sa Amerika.

Pero wala na.. hanggang nood nalang tayo ng concert ni Justin Bieber. Nilibre kita ng ticket para kahit papano'y makatabi man lang kita. Kahit hindi na sa altar pero sa staples center nalang. Tuwang-tuwa pa ako dahil hindi natin katabi ang asawa mo.

Ang di ko naamin sa'yo, sinadya ko talagang di kayo magtabi.

Pasensya ka na. Pansin mo naman siguro kung ano ang mga pinopost kong pictures sa ngayon. Nagbabakasakali lang naman ako, na sasabihin mo ulit sakin na crush mo din ako dahil ang pogi ko.

Hindi man ako magiging ama ng anak mo sa future, pinapangako ko sa'yo na ako ang magiging pangalawa niyang tatay kapag busy si Yael sa mga lakad niya. Ipaparamdam ko sa kanya ang mga pagkukulang ko sa'yo noon. Ipaparamdam ko, na habang buhay kang parte ng buhay ko.

Hindi man tayo nagkatuluyan, pero tandaan mo na ikaw at ikaw lang ang tanging babaeng minahal ko at patuloy ko paring mamahalin ng ganito kahit sa malayo nalang.

I will be thankful for you brought Vice Pogi back to life. And remember that you will always be my Buko and Binibining Kurba.

Mahal na mahal kita, Karylle.


- Vice




At ngayon masaya ka na sa kanya

At sakin hindi ka na muling babalik
Babalik babalik babalik pa

The Hopia Playlist (ViceRylle One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon