Chapter 124: He Admitted.

380 4 3
                                    

Libing.

Kahit madaming nakiramay nung burol, kaunti lang ang dumalo para makilibing. Nagtataka nga ako e? Siguro e dahil..may trabaho ang mga tao ngayon?

May mga nakaputi at may mga nakaitim. Tirik ang araw kaya nag sunglass ako. At para rin yun kung maiyak ako mamaya. Nakaitim kaming magbabarkada. Ewan ko nga ba kung bakit? Hindi kasi ako mahilig sa puting damit kaya wala ako nun. Umiitim ako dun e. HAHA. Joke lang. Ayoko lang talaga.

Matapos yung misa, hindi sumabay sa amin si Mark sa Van. Sa halip ay naglakad siya para samahan at alalayan si Wendy. Hindi naman nakakaselos. Bat ako magseselos? Oo, sige. May konting kirot dun pero pilit ko nalang iniisip na si Wendy talaga ang may kailangan ngayon. I mean.. Siya naman talaga e. Siya lang muna ang iisipin ngayon. Pinapalawak ko nalang isip ko. Hindi naman pwedeng sa akin palagi. Whatever.

Sa sementeryo, sobrang iyak na si Wendy kaya nadadala na rin ako. Naiiyak na rin ako sa nangyari. Gusto ko nga siya lapitan sa harap kaso lang..naalala ko kung paano niya ako tignan kagabi.. Parang may galit pa rin siya..

Nakakaawa siya talaga. Lumapit na nga rin yung barkada sa kanya nung nilalagay na sa ilalim ng lupa yung kabaong e. Kasi talagang umiiyak na si Wendy. Nag step back ako para padaanin sila... Hindi ako sumama. Nag stay lang ako sa likod habang hinihintay sila.

Sobrang init na nga ng araw kaya binuksan ko na rin yung dala kong payong at pinupunasan ko talaga yung buong mukha ko ng panyo dahil sa init. Hoo!

Nang makauwi na kami...Nagsikainan na rin kami ng tanghalian. Pare-parehong kumakalam yung mga sikmura namin e. Atlas! Makakakain na rin ng totoong pagkain. I mean..hindi naging normal yung pagkain ko this last few days..

Lahat kami nagsalo salo sa mesa kahit medyo siksikan, hahaha! At least, mahangin. Kaya okay na rin! Hinainan ko ng pagkain si Keith para makakain na siya. Medyo sumigla na rin siya at parang okay na rin..tanggap na rin siguro niya. Napatingin ako isa isa sa amin..napansin ko kasing wala si Wendy e.

Habang nag aagawan sila sa sandok ng kanin, lumabas muna ako para hanapin si Wendy. Nakaupo siya labas at tahimik lang na kinukutkot yung mga daliri niya.

"Kailangan mo to.." Habang binibigay ko sa kanya yung panyo ko.

Oy. May pawis yun pero mabango naman. Kaya okay na rin yan. Pampunas lang naman ng luha e.

Tumingin siya sa akin saka ulit kinutkot yung mga kuko niya.

"Salamat nalang." Mahina niyang sinabi.

"Wag ka na malungkot.." Sabi ko sa kanya.

"Masaya ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi.. Hindi ako masaya sa nangyari pero...we have to move on."

"Madali bang mag move on?"

"Mahirap. Pero makakausad naman tayo kung tutulungan natin sarili natin..."

"Mahirap." Paguulit niya sa sagot ko.

"Time heals naman.."

Tumayo siya saka tumingin sa akin ng diretso.

"Sorry ha?" Sabay ngiti niya.

Hindi nga?

"Ha?"

"Sorry kung..kung hindi naging maganda yung pakikitungo ko sayo nung mga nakaraang araw. Marami lang kasi talaga akong iniisip kaya ganun.."

"Okay? Okay lang. Okay lang yun. Ano ka ba? Wala yun. Naiintindihan naman kita."

"Kaibigan naman kita e. Alam kong naiintindihan mo ko. At alam ko rin na hindi ka gagawa ng kahit anong ikakasama ng loob ko. Diba Ash?"

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon