Gumising ko ng maaga, para maaga ako makadalaw sa puntod ni Ms. Vanessa Grace Antolino.
Nang nagpunta na ko dun, nakita ko ang isang dosenang bulaklak, na nakapatong sa kanyang puntod siguro galing ang kanyang ina dito, at biglang may isang lalaki na lumabas mula sa comport room sa kanilang sariling chapel sa mismong libingan ni Ms. Vanessa Grace Antolino, tinanong ko sya.
"Sino ka.?" Sabi ko na biglang napaisip.
"Ah siguro ikaw si Mr. Peejay Villanueva, noh.?" Sabi ng lalaki na nakatayo sa harapan ko.
"Oo ako nga, and you.?" Sabi ko naman nang mahinahon.
Inabot nya yung kamay niya, at nagpakilala.
"Ako si Mr. Bingo Conteverde, bestfriend ni Ms. Vanessa Grace Antolino, kinagagalak kitang makilala." Sabi nya nang may ngiti sa mga mata.
Kinamayan ko din sya at saka inilagay ang dala kong bulaklak sa taas ng puntod ng yumao kong kasintahan.
Lumipas ang ilang oras, nagpaalam na ko sa kanya at ako ay pumasok na sa opisina.
"Sir may meeting with Ms. Shawtie Mitch, sa SM california at 6:00pm." Sabi ni Ms. Ella De jesus pag dating ko sa opisina.
Alas 9:00am palang nung ako dumating sa opisina. Naalala ko pala yung negosyo kong pinahawak kay Mr. Raffy Bieber. Kinuha ko yung iphone 10i ko sa ibabaw ng lamesa ko.
"Hello, Mr. Bieber." Sabi ko ng sinagot na ni Mr. Raffy Bieber ang tawag ko.
"Hello Boss." Sabi ni Mr. Raffy Bieber mula sa kabilang line.
"Anong balita sa ating negosyo naten," Sabi ko naman sa kanya.
"Boss, May bentahan kame mamaya sa pier47 gusto mo ba sumama para makita mo yung kaganapan." Sabi naman nya mula sa kabilang line.
"Anong oras ba." Sabi ko naman sa kanya.
"Mamayang ala una boss, Magkita tayo sa coffee shop sa sta rita." Sabi nya sa kabilang line.
"Okay sige." Sabi ko naman sa kanya.
At binaba ko na yung tawag sa kanya, at kinuha yung dokumentong ilalatag kay Ms. Crush este Ms. Shawtie Mitch.
Lumipas na yung oras at mag-aala una na, Dali-Dali akong nagbihis ng aking toxido. At sumakay sa helicopter na nasa rooftop ng aking building.
Dumating na ako sa sta rita Coffee shop. Kanina pa pala sya dumating sa dati naming inuupuan nung kame ay tambay palang.
"Boss time to go na po." Sabi nya ng makalapit na ko sa kanya.
"Ok." Sabi ko naman sa kanya.
Nang makarating na kami sa pier47, nagsidatingan na din ang mga kadeal ni Mr. Randy tagudong na si Master darius na sya din palang kadeal ni Mr. Randy Tagudong. Nang magkita kame nagkamustahan kame ni Master darius, at napag usapan din namin yung negosyo namin about sa armas na idedeliver over my company. Lumipas ang ilang oras may nagsidatingan na pulis, nagkagulatan kase di namin alam kung sino ang naghudas.
"Boss, may mga pulis sa labas." Sabi ng isang tauhan ni Mr. Randy Tagudong.
Sabay nagkatutukan ng mga baril ang bawat grupo.
"Mga hayop kayo, Sino yung hudas sa inyo." Sigaw ni Mr. Randy Tagudong.
"Baka sa inyo ang may hudas, Mr. Randy." Sabi naman ni Mr. Master Darius.
"ibaba nyo yang mga baril nyo." May sumigaw mula sa likod ko sa taas.
Isang swat na si Mr. Paulo Anarky., At nagsipag taguan ang lahat, Napatakbo na din ako nung oras na yun. Hindi ako nakita ng mga swat kase nakatalikod ako nung mga oras na yun. Di ko alam sumunod pala si Mr. Raffy Bieber sakin,
"Boss, Wala na sila sa likod buti pala nilipat ko yung sasakyan ko sa may kabilang kanto na malayo dito sa lumang gusali na to." Sabi ni Mr. Raffy Bieber.
"Ah ganun ba, Thats good Mr. Bieber." Sabi ko sa kanya habang papunta sa sasakyan nya.
"Boss, Sa palagay mo sino kaya ang nagsumbong sa mga pulis." Tanong sakin ni Mr. Bieber.
Napaisip ako nun at nakarinig ng putukan mula sa may lumang gusali na pinanggalingan namin.
"Bilisan na naten, baka maabutan tayo ng mga pulis at swat." Sabi ko kay Mr. Bieber.
Nang makalapit na kame sa sasakyan ni Mr. Bieber, May dalawang pulis na nagbabantay ng sasakyan nya sa di kalayuan.
"Mr. Raffy Bieber, Wait we have a problem." Sabi ko sa kanya at napahinto sa kanto malapit sa kinalalagyan ng kanyang sasakyan.
"Boss, Ano gagawin naten." Sabi niya sakin at napahinto din.
Sa kabilang banda, nagkabarilan na sila halos si Mr. Randy Tagudong lang ang natira sa grupo niya, at nakuha naman ng mga swat at pulis ang mga smuggle na mga baril.
BINABASA MO ANG
Crush : BOOK II
Teen Fictionito yung istorya noon na puro kalokohan hahaha. Taapusin ko na ngayon :'>