Dear Diary,
As usual, eto ako nakahiga sa kama at madaming iniisip. Malapit na naman ang pasukan, kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Dala na rin ng nakaraan. Hindi ko lubos na maisip na mapipilit pa akong pumasok ng magulang ko. Ewan ko ba kung bat ayaw na ayaw ko na pumasok simula yung nangyari yung trahedyang yun. Siguro nga malas ako pagdating sa eskwela.
Bahagya kong sinilip ang braso kong medyo kumikirot pa ngayon dala ng mga laslas ko kahapon. Usual thing na ginagawa ko para mahibang ako. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa pero may rason ako. Alam ko namang kasalanan sa Diyos to. Atsaka minsan din naman, natatakot ako sa kung anong pwedeng kalabasan ng paglalaslas ko. Malay mo isang araw, mapadiin ako ng masyado at dumiretso sa pulso ko edi tigok agad ako.
Hindi ko din naman kasi gusto ang buhay suicidal but hurting myself just makes me comfortable. Mas kaya ko pa ngang iendure yung physical pain kesa sa emotional pain na nararamdaman ko ngayon eh.
Why do I do this ba? Siguro kasi kapag nakakaramdam ako ng emotional pain which just makes me depressed, I hurt myself kasi alam kong mapupunta yung attention ko dun sa sakit ng laslas ko not minding already the emotional pain. Kumbaga, yung concentration ko nasa physical pain na at hindi na ako focused sa emotional pain. Weird ko diba? Am I the only one na ganyan ang rason?
Di ako makapaniwala na nakakaya kong saktan ang sarili ko. I'm lost. Di ko na alam ang path na dapat kong sundin. Naiinis ako sa sarili ko kasi ganito kinahinatnan ko. Gusto kong maging follower ni God pero napaka makasalanan ko. I hate myself. I wish I vould confess all of this pero sa tuwing magcoconfess ako walang nalabas sa mga labi ko. Puro iyak ang tanging pinapakita ng emosyon ko. I'm too weak. I'm too fragile and emotional. Sana makayanan ko ang lahat. Sana balang araw mapatawad ako ng Diyos kapag natuluyan ako. I'm doomed. 💔
Every single night, I always cry myself to sleep. Naaawa ako sa sarili ko. Nahirapan nga mga magulang ko hanapan ako ng school because naapektuhan lahat ng grades ko last school year. Nagbabaan halos lahat. I don't know what's happening to me. Could someone save me from this nightmare? Ilabas niyo ako sa bangungot na to. Sawa na ko sa buhay na ganito.
Goodnight.
-Rie
BINABASA MO ANG
A SUICIDAL'S DIARY
Mystery / ThrillerSomething's telling me that suicide can't be the answer to my problems. But as much as I want to believe, hurting myself makes me comfortable.