Ikaw ang dahilan sa bawat pagngiti ko
Ikaw ang dahilan kung bakit sumasaya ako
Sana nga lang palagi na lang ganito
Yung laging masaya at walang nagbabago.
Sa bawat araw na hindi kita nakikita
Yung mga araw na hindi kita nakakasama
Iniisip ko na lang na andito ka sa tabi ko
Para hindi na ko malungkot at ma-MISS ka ng husto.
Kung minsa'y di ko maiwasan ang magtampo sa iyo
Bakit ba ako minsa'y binabalewala mo?
Iniisip ko tuloy di na ako mahalaga sayo
Kaya ang ating usapa'y nauuwi sa pagtatalo.
Huwag mo ng isipin ang mga nakaraan mo
Kung malungkot ka man at nawala sila sayo
isipin mong andito pa ako sa kasalukuyan mo
MAGTIWALA ka lang at sasaya din TAYO.