2/7 days

279 13 0
                                    

My sister is a walking definition of 'optimistic' and Im so sorry for being the contrary.

"Another glass of Margarita, please." I loudly said to the bartender infront of me. Nasa bar ako ngayon, isang sakay lang ng jeep galing sa appartment namin.

And so he gave me one in just a few seconds. I immediately took a sip of it as soon as it landed on top of the table. Woah! That was refreshing! Nakakatanggal talaga ng stress ang alcohol.

"Ate, umuwi na tayo!" Holyshit! nandito nanaman siya.

"What the fuck Macey?! What are you doing here?" I asked without bothering to take a glance at her. Leche! Sinundan nanaman pala niya ako.

"Please lang ate, hinahanap na tayo ni mama!" Tayo? Hinahanap? Seriously? Tayo ba talaga o baka siya lang? Tss. Ni wala nga akong natatanggap na tawag o text galing sa kanya.

"No. Mauna ka na. Tsaka pa'no ka ba nakapasok dito? Bawal ang 18 below dito." Sabi ko, tiningnan ko siya ng masama. Gagong guard, hindi manlang nahalatang underage yung kapatid ko.

"Ate naman eh! Hindi ako aalis dito." Sabi niya habang nakatitig lang sakin na parang nagmamakaawa.

"Hi Miss!" Biglang may lumapit na lalaki sa tabi niya. Tss kulit kasi eh! Ayaw pa umalis.

"Umalis ka na nga kasi kung ayaw mong mabastos dito! Alis na! Wag mo akong pakialaman, please?" I loudly said.

"Ate naman. Please? Baka magalit nanaman sayo si mama." Magalit? Wow. If I know, nagalit lang siya sakin dati dahil sinama ko si Macey gumala ng gabi. Syempre baka kung anong mangyari sa pinakamamahal niyang anak.

"Pwede ba! Umalis ka na! Kapag hindi ka umalis, hindi kita papansinin ng buong linggo." Pananakot ko sa kanya.

"Ate naman... Lagot na talaga tayo kay mama." Sabi ni Macey habang nakahawak sa braso ko. Lagot tayo... Tama ba ang dinig ko? Baka naman lagot ako.

"Ano ba! Umalis ka na! Bat ba ang kulit mo? Alis na nga! Nakakahiya na sa mga tao. Tss." Sabi ko. Lumipat ako ng bar stool at tumingin sa ibang direksyon.

Mga ilang minuto na ang nakalipas, hindi ko na naririg yung kapatid ko. Haay umuwi na din siya sa wakas. Ang hilig hilig niya talagang mangialam sa buhay ko.

"Kuya, isang baso pa nga! Yung mas matapang ha?!" Sabi ko sa bartender. Bakit ba ang bagal tumalab ng alcohol sakin! Kanina ko pa gustong malasing. Bakit ko nga ba gustong magpakalasing? Simple. I want to escape from my hell-themed fucking life.

***

"Argh!" I woke up feeling an extreme back pain and headache. Nagawa ko pa palang umuwi kagabi? Fuck akala ko sa ibang kwarto na ko magigising.

"Gising ka na pala ate. Inumin mo to oh." Napabalikwas ako. Nakaupo lang si Macey sa tabi ng kama, may katabi siyang basin na may tubig at towel. Wow? Nagawa niya pa palang punasan ako kagabi. Pero para saan pa at pinunasan niya ako? Eh ang sakit nga ng ulo ko ngayon.

Biglang bumukas yung pinto, pumasok si mama. Okay, niready ko na ang tenga ko sa sermon na maririnig ko sa kanya.

"Faye! Ano nanaman bang katangahan ang naisip mo at naglasing ka kagabi? Dinamay mo pa si Macey!"

"Dinamay? WOW?" Nasambit ko na lang. So, kasalanan ko nanaman?

"Sumasagot ka nanaman! Dios ko! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. Kababae mong tao Faye, dapat hindi ka ganyan umasta! Pa'no nalang kung hindi ka inuwi dito ng kapatid mo!? Baka ginalaw ka na ng kung sinu-sinong lalaki. My goodness! Pa'no kung napahamak kayo ng kapatid mo?! Pa'no kung narape kayo?!" Tss. Sa akin, okay lang. Ewan ko lang dyan sa paborito niyang anak. Bwisit talaga! Kakagising ko lang, ni hindi pa nga ako nakakabangon sa higaan ko tapos sermon kaagad ang bubungad sakin.

"Faye naman! Makinig ka nga sakin! Kung gagawa ka ulit ng kagagahan, wag mong idamay si Macey!" See? It's clear, si Macey lang ang importante sa kanya.

*

Hindi ko na nagawang sumagot pa kay mama. Baka kasi kung ano nanamang masabi ko at lalo niya lang akong kamuhian. Nagtakip na lang ako ng unan sa mukha. Naramdaman ko nalang na lumabas na siya sa kwarto ko.

"Ate, sorry kung nagalit si mama sayo. Sorry...hindi ko naman---"

"Umalis ka na nga! Explain explain ka pa dyan!" Nabibwisit na talaga ako sa kanya.

"Nag-alala lang naman ako sayo ate kasi baka malasing ka kaya hinintay kitang makalabas. Kaso nakita kita na natutulog na sa loob kaya inuwi na kita. Sorry na ate, wag ka na magalit..." bakit ba kailangan niya pang umarte ng ganyan. Sino ba kasing nagsabi sa kanya na gawin 'yon? BV eh! Alam naman niya na ako nanaman ang papagalitan.

"Im not asking for an explanation. Lumabas ka na nga." Nagtakip na ulit ako ng unan.

Bago ko pa makalimutan, may pasok pa nga pala ako ng 9am ngayon. Anong oras na ba?

Ayun 8 pa lang. Naligo na ako at nag-ayos kahit medyo masakit pa yung ulo ko, medyo sanay na rin naman akong pumapasok na may hangover.

Naamoy kong may nagluluto ng pancakes at sausage. Si mama siguro yun. Shit nakakagutom. Hindi nga pala ako nakapagdinner kagabi.

Bumaba na ako. Kakain ba ko o hindi? Kakain... O hindi?

"Kain na ate!" Masiglang sabi ni Macey. Naiirita ako tuwing nakikita ko siya. Bakit ba palagi nalang siyang masaya? Bakit kailangan laging positive ang aura niya? Kahit paulit-ulit ko siyang sigawan at awayin, babalewalain niya lang at ngingitian ako na parang walang nangyari.

I took a quick glance at her and immediately go out of the door. Nawalan na ako ng gana, pero inaamin kong nagkicrave ako ng pancakes. Bibili nalang siguro ako sa McDo malapit sa school.

Naglakad na ako papunta sa school. Walking distance lang naman kasi galing sa apartment yung school namin.

Dumaan muna ako sa McDo kase gutom na talaga ako.

"Ubos na po yung pancakes eh. After 30 minutes pa po ulit magkakaroon." Sabi ng crew. WHAT THE FUDGE! Kung kelan naman gusto ko ng pancakes, yun pa nawalan! Leche! Malas! Lumabas nalang ako, alangan namang mag-antay pa ako ng 30 minutes, eh 15 minutes na lang mag-aalas nuebe na. Ayoko na nga kumain!

Naglakad na ako papunta sa Music room. Di ko pa nga pala nasasabi yung course ko, Im taking up Bachelor of Music in Musical Theater. Simula pagkabata, isa na akong frustrated dancer/singer/artista sa kadahilanang gusto kong matuwa sakin si mama. Hindi ko naman akalain na madadala ko to hanggang pagtanda. Pero buti na lang at maganda ang boses ko. Siguro namana ko to sa tatay ko. Hindi naman kasi magaling kumanta si mama. Well, thanks to him. Kahit papano may silbi din pala siya.

Pumasok na ako sa room.

"Ate!" Bigla nalang akong nagulat sa narinig kong boses sa likod ko kaya napalingon ako. Peste! Ano nanamang ginagawa niya dito?!

"Ate, dinalhan kita oh. Tsaka eto coffee para matanggal yung hang---" hindi ko siya pinatapos.

"Akin na! Salamat ha?" I said sarcastically sabay abot ng paperbag na hawak niya at baso ng kape sa kabila niyang kamay. Psh. Kakaasar! Para mataggal yung hangover? Yun ba ang gusto niyang sabihin? Buti nalang hindi niya natuloy. Hindi na nahiya sa mga kaklase ko.

"Sige ate, una na ko. Bye!" Hindi na ko sumagot. Bumalik na ako sa upuan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil dinalhan niya ako ng pagkain o maiinis dahil nakita ko nanaman ang pagmumukha niya na sobrang kinaiinisan ko.

"Ang bait talaga ng kapatid mo, Faye. Kanino ka ba kasi nagmana?haha!" pang-aasar ni Nikki, bestfriend ko. Siya lang ang nakakaalam ng lahat ng hinanakit ko.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Naku! Lalambot din yang puso mo. Pustahan tayo!" Sabi niya.

"Asa!" Sagot ko. Sa anong paraan naman lalambot ang puso ko sa kanya? Eh nakikita ko palang ang pagmumukha niya, naaalibadbaran na kaagad ako.

REMORSE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon