Chapter 4: GUILTY

82 3 0
                                    

Habang papalapait ako ng papalapit lalong namumuo ang takot at kaba. Nang makita ko si...

"Oh! James! Anong-..." di ako sanay dahil kahit nakangiti siya ramdam ko ang lungkot na kanyang nararamdaman.

"Ah! hinaantay kasi kita"

"Ba-.. kit?"

"di' ka kasi nakapunta, kaya ako nalang pumunta. Kala ko may nangyari nang masama sayo"

Shocks! Oo nga pala nangako ako na babalik dun sa bahay nila para sa dinner! Anu kaba naman keicy! Bat mo nakalimutan...

"But! Actually papaalis narin ako, kala ko may nangyaring masama sayo eh!"

Pumunta na siya sa kayang sasakyan, kala ko aalis na siya pero, bumalik siya at may inabot na paper bag.

"Baka mamaya di' kapa nakapag dinner, sabay sana tayo kaso nagutom ako hahaha! Kaya kinain kona" tumatawa siya pero ramdam ko ang lungkot niya.

"O-.k"

"sige! Una na ko! Baka gabihin din ako eh!"

pumunta na siya sa kanyang sasakyan at umalis na.

Sobrang guilty ang naramdaman ko, bakit ko kasi nakalimutan yun! Bakit malungkot siya? Haysst! Keicy... nakakainis ka!

Pagpasok na pagpasok ko nang bahay binukasan ko ito.

Adobo ang laman ang ofcourse kanin. May letter din akong nakita, agad ko itong binasa.

"Hahaha sorry ah! ito lang nakayanan kong lutuin eh! Nagpaturo pa ako kay manang kung paano lutuin yang adobo. Sana nalang masarap. Sana magustuhan mo. Eto nga pala number ko 0927******* text mo nalang ako kahit kelan mo gusto."

Lalo akong naguilty ayus lang kaya siya ngayun? bakit kasi nakalimutan ko eh! Tawagan ko nalang kaya siya ngayun? Tama tatawagan ko siya!

dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at swerte may load pa ko! Tinawagan ko na siya!

"kriggg" "Kringgg" please sana naman sagutin mo!

"Hello! James!"

"Hello"

"James? Gusto ko lamg sabi-..."

"dont you worry! Hindi naman ako galit, its ok eh! Kakikilala palang naman natin. Sana magustuhan mo yung niluto ko"

"James kasi-..."

"Mamaya ka nalng tumawag nag-dadrive pa ako eh! Tawagan mo nalang ako mamaya, sige bye"

"Pero-..."  

At binaba niya na nga!

Hindi ako naniniwala na ok lang siya. Kahit ganun sinasabi niya nararamdaman ko ang lungkot sa boses niya. Kayat dali-dali ako umalis para pumunta sa kanila! Wala na kong pakialam.

Nagcommute nalang ako hanggang makaratin ako sa kanila...

dali-dali kong pinindot ang doorbell at lumabas si manang.

"Si James po!"

"Ah! Di' pa umuuwi eh!"

Sobrang nag aalala ako, kapag may nangyaring masama sa kanya di' ko mapapatawad ag sarili ko.

"Eh! saan ko po ba siya maaaring makita?"

tinuro na nga ni manang kung saan ko siya matatagpuan. Dali-dali akong pumunta dito! SA MAY PINAKATAAS NG BUILDING. Shemay! Anung gagawin niya...

Sobrang kinakabahan ako. Nang makita ko siyang... umiinom ng alak.

"James!"

Lumingon ito agad. Dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa akin.

"Sorry, kasi-..."

"hindi mo naman kailangang humingi ng sorry eh! sino ba naman ako para pansinin mo! Eh, kakikilala palang natin."

Sobra nalang ang pagkaininis ko sa sarili ko. Wala akong masabi umupo nalang ako sa tabi niya.

"Kala ko may nangyari nang masama sa iyo eh!"

sinuklian niya lang ako ng ngiti.

Maya-maya bigla siyang nagsalita...

"Di' ko alam sa sarili ko! Kung bakit simula nung pumunta ka sa bahay, di na kita makalimutan, hindi ako makatulog kaka-isip sayo.! Baka nga may gusto na ko sayo! Oo, mahal na nga kita"

Shemss! Napa tulala lang ako, eto nanaman parang tinahi ang bibig ko, wala akong masabi. Sa sobrang Guilty, kilig at kung anu-anu pa.My goshhhhh.

"Hah? Eh-.. baka.. lasing ka-.."

"Totoo lahat nang sinasabe ko!"

Nang biglang humarap siya sa akin. Papalapit ng papalapit ang kanyang mukha.wala akong magawa. Yung tipong di'ka makagalaw.

HINALIKAN NIYA KO. hindi ko rin alam kung bakit gumanti ang aking labi sa kanyang halik. Pinaramdam niya ang lahat ng kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng halik.

"Naniniwala ka na!"

hindi ako makapag salita. Hanggang ngumiti nanaman siya ng sobrang tamis. Paranv nawala nalang bigla ang stress na aking nararamdaman. Parang huminto ang oras.

"Tara! Uwi na tayo!" Pangaanyaya nito.

"pero lasing ka!"

"Huwag kang mag-alala, kaya ko pa. Di' naman ako ganun ka lasing."

"o-..k" wala nalang akong nagawa.

Bumaba na kami at pumunta na sa kanyang sasakyan.

Habang nasa loob ng sasakyan.

"Keicy?"

"Bakit?"

"pwede bang dun ka nalangbsa bajay magpalipas ng gabi"

Wala na akong nagawa. Pumayag nalang ako.

"Sige!"

Ngumiti nanaman siya ng nakakatunaw.

Itutuloy...

Don't forget to vote. I hope you like it.  

Falling, In Love? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon