Our status? MARRIED. For real? NO. We met on audition, it’s an online game for a dance battle. In that game, you can have a couple and you can marry. You can’t divorce of course but you can always split up. To my point of view it was a flirt game. Nakilala ko siya sa audition, we played once and ‘viola’ Your partner send you a couple invitation accept or decline in 15, 14, 13, 12, 11, 10, 9, 8, 7, 6…
1
A/N: No book cover yet. I'll change it soon. Unedited Work. Try-out lang po itong story. Also, marami po na text/message conversation all through out the story. Comments and votes are highly appreciated. Thank You! -Bbloves
Nasa lobby ako nun at kasalukuyan na naghahanap kung saang room ako makikipaglaro. Anak ng teteng naman nitong si Sandra. Napakatagal eh? Sabi niya magonline kami ng 1 pm. Naligo pa naman ako agad at nagpunta sa malapit na computer shop kaso 2:30 na wala pa din siya. Nagpalit muna ako ng hair at damit. Oh, may character ka kasi sa audition, yung mga points na nakukuha mo pwede mo ipambili ng mga tipo mo na damit, buhok, face, shoe, dress at kung ano ano pang ekek para gumanda yung character mo.
Meron ding EP ang gagamitin mo pambili ng mga gamit. Asahan mo na mas maganda yung mga gamit mo kung EP ang halaga kasi naman totoong pera ang ginagamit mo para makabili ka noon. Hindi pa naman ako umabot sa ganong pagka-adik para gastusan yung character ko sa online gaming lang pero meron akong item na EP kasi nireregaluhan ako ng best friend ko na si Sandra sa tuwing nagloload siya sa account niya.
‘DarkNight~IKEA~ Send you an invitation to play in his room’
Accept | Decline 00:10
00:09
00:08
00:07
Inaccept ko. Pero hindi ko akalain na hindi pala normal room yung napuntahan ko. COUPLE ROOM YUN!
SHIT! Pinindot ko kaagad yung ‘watch’ tapos napunta ako sa likod. Hindi magsstart yung game kung hindi pa kayo kumpleto na 6. 3 babae at 3 lalake. Nasa watch lang ako, hindi kasi ako pwede sumali at magready baka kasi magonline na si Sandra.
DarkNight~IKEA~: Argh. Kulang ng isa! Sumali ka na. Wag ka maarte -_-
Me: Not interested
Him: Umi-english ka pa! Ang arte eh -_-
Me: Kick mo ako kung eye sore ako sayo, tumatambay lang naman ako eh
Him: Maarte ka naman -_-
Kung ikaw kasi ang DJ. Ikaw ang may karapatan sa buong room. Ikaw ang may rights para sa kanta kung sino ang gusto mo kasali pwede mo sila i-kick kung may ayaw ka kalaro sa loob ng room. Ikaw din ang mamimili ng type ng laro.
Him: ARTE MO! Sumali ka na kasi, pagod na ako mag-invite
OctopusHEAD6868: Oo nga sis, sumali ka na. Sayang kasi yung time.
Him: Ikaw na nga dito kissa. Pagod na ako mag-invite
Tapos ipinasa niya yung DJ booth kay OctopusHEAD6868 aka kissa. LOL
Him: Weak kasi isa dyan, hanggang nuod na lang.
Naramdaman ko na unti unting umakyat yung dugo ko sa ulo at hindi na ako nakapag-isip ng matino. OY! Adik yata ako sa audition ng halos 3 taon. Kaso kahit minsan hindi ako nagcouple kasi naman kalokohan lang yun! Paano ka makikipagcouple sa taong hindi mo pa naman nakikita. Pero alam ko naman ang mechanics ng game para sa couple game. Pumasok ako. Nagready tapos nag ‘ON-GAME’ kami agad agad
Him: Arte sasali din naman pala
Kissa: GL (Means Good luck)
Player 3: GL J
