Irene's POV
Ngayon ang araw na sasagutin ko si Taehyung. Syet. Men di ako makapaghintay!
Nasa lobby ako ng school nang makita ko yung talandeng kung makadikit kay Taehyung eh wagas. Tss.
"Hello Irene!" ulol ba't nya ko kilala? Wag mo kong plastikin HAHA.
"Ay sorry. Kinuwento ka kase saken ni Taehyung eh. By the way, I'm Aries."
"Nice meeting you."
Inoffer nya pa nga yung kamay nya pero kunware may kinuha ako sa bag ko. Pahiya onti bukas bawi. De jk.
"Sino bang hinihintay mo?"
"Ah si-"
"BABE!"
Nakita ko si Taehyung na kasama ang bangtan at rv. Yung tingin ni Wendy at Seulgi hahaha jusme.
Pumunta saken si Taehyung dapat yayakapin nya ako pero umiling ako. Mamaya na babe.
"Ay nako may hi-" tinakpan ni Jimin ang bunganga ni Wendy. Bwiset naman si Jimin oh!
"Oh? Naligaw ka ata Aries?" nakakagagong tanong ni Jin.
"Ha?"
"Sabi ko naligaw ka ata? Eh diba hipon ka?"
Nakita ko naman yung pagtawa nila sa likod. Jusme naman Jin. Ikaw na.
"A-ah may pupuntahan pa pala ako. See you later. Bye." umalis sya agad. Syempre napahiya.
Woooo Go Jin. Ililibre kita mamaya hehe.
"Hahaha na-feel nya atang hindi to yung dagat kaya umalis hahahaha." tawang-tawa na sabi ni Wendy.
Tumawa na lang din ako. Nagpunta na kami sa mga klase namin. At sa isang subject ay kaklase namin ni Seulgi si Aries.
"Magkaklase pala tayo Irene at Seulgi." oh? San galing to? Sa dagat?
"So obvious Aries. Sasabihin mo pa, eh alam mo naman. Sooo stupid." sabay irap ni Seulgi sa kanya.
Easy ka lang pikachu. Highblood agad eh.
"Sige. Punta na ako sa upuan ko." umalis na sya.
Ba't ngayon ko lang napansin na magkaklase pala kami? Sabagay, wala naman akong pake sa paligid ko.
"Ka-imbyerna yung babaeng yun. Tanga ba sya? O sadyang tanga lang talaga?"
"Tangina mo, highblood ka naman masyado. Hayaan mo na."
Dumating na ang teacher namin at sobrang nakaka-antok yung boses nya. Hay jusmiyo.
Dismissal
"Gorabels na tayo sa Jollibee!" pag-aaya ni Wendy.
"Ang hilig mo sa Jollibee, unnie. Ayaw mo nang McDo?" tanong ni Yeri.
"Ano ba kayo, mas gusto ni Wendy unnie yung chicke Joy ko ehuehue."
My ghad I hate drugs.
Hinintay na lang namin si Taehyung. Ba't ba ang tagal nya?
Okay eto na, sasagutin ko na sya. Ayoko na kase syang pahirapan.
From : Tete ng bohaii mo
pumunta ka dito sa gym
Ang galeng nya naman telege. Utusan ba ako?
"Pupuntahan ko lang si Taehyung sa gym." paalam ko sa kanila kaya tumango na lang sila.
Peste naman. Alam ba nyang ang sakit sakit ng paa ko?
Habang papunta akong gym nakasalubong ko yung grupo ng mga babaeng nambubully kay Aries.
"Oh putangina mo buhay ka pa pala Irene." bungad saken ni Naeun.
Tinaasan ko na lang sya ng kilay pero hinatak nya yung bag ko. Pakshet napaka-bully ng babaeng to.
"Pupuntahan mo ba si Taehyung?"
"Aba natural."
"How pity of you. Puntahan mo na dun sa pangatlong bleachers dahil nilalandi na sya ni Aries. Goodluck." sabay alis nya.
Aries?
Kinutuban ako sa sinabi ni Naeun kaya agad-agad akong pumunta ng gym.
Taehyung.
Alam kong hindi ka ganun pero bakit pinipilit ng utak ko na maniwala kay Naeun?
Taehyung, mahal mo ko diba? Hihintayin mo ko diba?
Nang makarating ako sa harap nya ay kusang tumulo ang luha na galing sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan.
Nakapatong lang naman sya kay Aries.
Hindi man lang nila ako napansin na nandito ako.
Kinuha ko yung plastic na bote sa bag ko at binato ko kay Taehyung.
"Kaya mo ba ako pinapunta dito para ipakita yan? Okay na. Nakita ko na."
Wala na akong lakas para sabunutan si Aries. Pagod na nga ako eh.
"Babe wait lang!"
Sinong tanga ang titigil Taehyung?
Nang makarating ako sa hallway ng school ay lumabas na agad ako. Napansin ako ng bangtan at rv pero speechless sila dahil hindi nila alam ang nangyayari.
First heartbreak ko to. Masakit pala.
"Irene sandali lang!" hinawakan ni Taehyung ang braso ko.
"Taehyung eto na to eh! Sasagutin na sana kita ngayon! Kaso mukha wala nang rason para maging girlfriend mo ko, hindi ba?" naluluha kong sabi sa kanya.
"Please Irene, makinig ka muna sakin!"
"Taehyung sapat na yung nakita ko! Ayoko na. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Taehyung mahal na kita eh! Kaso, sinayang mo lang dahil sa Aries na yun."
Pinunasan ko ang luha ko.
Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko na para bang ayaw nyang bitawan.
"Irene please pakinggan mo muna ako tangina."
"Pagod na ako Taehyung at tangina mo rin, magsama kayo."
Isa lang ang nagawa ko pag-uwi ko. Ang pagyakap sa nanay ko habang pinapatahan nya ako.
*****
Wooo isang buwan ko ding hindi in-update to. Na writer's block ako sarreh. I-didiscontinue ko na nga sana eh kaso, wala love ko kayo. Ayieeee.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You [DISCONTINUED]
Hayran Kurguyes, it was so insane to love him. 2015.