Chapter 2 - Ang Alyansa

43 1 0
                                    

Nakita ni botong yung babaeng maganda at nakipagkilala siya. Nagtaka naman si botong kung bakit siya kilala nung babae.

"Matagal na kitang hinahanap botong Loggins. Sa sobrang tagal kong paghahanap sayo, hindi pa ako naliligo.", sabi nung babae.

"Aha! Pa'no mo'ko nakilala?", Tanong ni botong.

"Inassign ka sa akin upang hanapin. Matagal ka naming minanmanan ng kapartner kong si Cheesemoso.", paliwanag nung babae.

"Nasaan na ung partner mo?", tanong muli ni botong.

Sumagot muli ang babae ng: "Hindi niya natagalan ang mission namen. Isa na siya ngayong ganap na barbero. Tahimik na ang buhay niya at minsan ay suma-sideline bilang newscaster ng mga kapitbahay. Kailangan mong sumama sa akin."

"At saan naman tayo pupunta?", tanong ni botong.

Habang nag-aabot ng isang kahon kay botong ay muling nagsalita ang babae: "May mahalaga kang dapat malaman. Eto, hawakan mo itong malaking kahon na ito. Ito ang magagamit mo pagdating doon sa lugar na ituturo ko. Dun tayo magkita. Anong number mo? Ite-text ko sa'yo kung saan at kailan at kung paano matunton ang meeting place."

"09765539115. Cge txt mo nlang me.", sambit ni botong.

"Cge nyt nyt, smiley-smiley.", sagot ng babae.

At naghiwalay na sila ng landas.

Tinext ni Sushi si botong kinagabihan. Sushi pala ang pangalan nung babae. Nakatext doon ang mga kailangan niyang malaman, kumpletong mga detalye tungkol sa kanilang pagkikita..

Nagkita sila kinabukasan dahil walang pasok ang araw ng Biyernes, sinuspinde kasi ng presidente para dire-diretso daw hanggang Sabado at Linggo.

Kinabukasan, nagkita na sila sa kanilang pinag-usapang lugar at oras.

"Nakapagsama ka ba ng tatlong batang mataba, isang doktor at wanhandredpesos?", tanong ni Sushi.

"Oo nasunod ko lahat. Andun sila naghihintay sa may labas para hindi mainip.", sagot ng bidang si botong.

"O sige, buksan mo na ang kahon. May laman 'yan na chocolate cake. Papaubos mo 'yan sa mga bata. Pagkaubos nila, dapat matitira lamang doon ang susi.", dagdag ni Sushi.

"Pa'no kung makain nila lahat?", tanong muli ni botong na nag-iisip.

Dali-daling sumagot si Sushi ng: "Yan ang papel nung doktor. Ooperahan niya ang mga tiyan ng mga bata upang hanapin ang susi."

"E pano kung operahan ng doktor pero d naman pala nakain yung susi?", nagtatakang patanong ni Botong.

"Wala akong panahon upang makipag-biruan sa iyo. Cge na umpisahan mo nang ipakain. Salamat pala sa deodorant ha, pero sossy ako, isauli mo na lang 'yan sa tatay mo dahil alam kong ninakaw mo lang 'yan dahil nga minamanmanan kita dati pa no!", sumbat ni Sushi na tila'y nagagalit pero hindi niya pinapahalata dahil ayaw niyang mahalata. Ganun lang, ayaw niya lang pahalata.

Naibigay na pala ni botong Loggins ang regalo, nakalimutan lamang sa istorya, ngunit halatang may gumamit na dito dahil may dalawang pirasong kuloting buhok na kulay golden itim na may batik sa roll on ball.

At kinain na ng mga bata ang chocolate cake pero hindi nila nakain ang susi.

Kaya nagtanong na naman si botong ng: "E ano pa silbi nung doktor?

"Diba pinagdala kita ng wanhandredpesos? Ibigay mo sa doktor kasama ng mga bata pantaxi nila.", payabang na sagot ni Sushi.

"Huwag mo paglaruan ang utak ko, matalino ako, gaga!", dagdag pa niya.

Kaya si botong ay nag-isip ng five times kung gaga nga siya dahil isa siyang lalaki, dapat daw ay gago.

Umuwi na ang mga kasama ni botong at nasa kaniya na ang susing maliit.

"Botong, iyan ang susi ng locker mo sa loob ng aming opisina. Pero para makapasok ka, kailangan mong mag doorbell.", dialogue ni Sushi.

At pinindot nga ni botong ang haytek na pindutan na ang tawag ay "doorbell"  sa pamamagitan ng daliring pangulangot at pinagbuksan siya ng pinto.

At nakapasok na sila sa opisina ng Oxygen Oxygen (O2O2).

"Ayan magseminar ka muna. Tapos hihintayin kita sa lobby.", sabi ni Sushi.

Nagseminar si botong at nire-recruit siyang mag-member sa isang networking company. Kapag naka-recruit siya ng dalawang taong potensiyal, kikita siya sa binary.

Doon niya nalaman na kumpanya pala ito ng mga holdaper ng bangko.

Mga sumpit at special skills sa panghoholdap ang produkto nila, at malaking potensiyal si botong. Malaki ang pangako ng kumpanya kay botong at naengganyo siyang sumali.

Sushi: "botong, magsisimula ang training bukas, nasa locker mo ang mga kailangan mong mga kagamitan."

Nang buksan ni botong ang locker, hindi pala niya nabuksan iyon dahil hindi iyon yung locker niya. At sa wakas ay nagtagumpay siya sa paghahanap ng kaniyang locker, katabi ito nung unang locker na binubuksan niya. At ang locker ay makahimalang naka-lock. Oo, naka-lock. Pagbukas niya ay may mga nakita itong napakaraming pekeng id, napakarami talaga, mga dalawang piraso. Mayroon ding wristwatch na may laser, atm card na pang hack ng atm machine, voice changer bubble gum, at sumpit na may balang tumatawang hangin o laughing gas sa ingles, user manual ng sumpit, at cd ni piolo, oo, cd nga ni Piolo Rabanes, ang sikat na artista na naging tindero ng cd.

Hinatid ni sushi si botong at nagsuka ito pagbaba galing sa kotse ni sushi dahil naka-aircon yung kotse at mabaho pa rin si sushi.

Pag-uwi ni botong sa bahay ay pagod na pagod at antok na antok siya. Hindi na niya nakuha pang kumain dahil sa kapaguran.

Pasikretong isinauli ni botong ang deodorant at natulog na siya. Bago siya matulog ay pumikit muna siya, una muna ang kanang mata, matapos ay idinilat ang kanang mata dahil dapat daw ay kaliwa muna.

Kaya sabay niyang ipinikit na lang pareho. Matapos ay dumilat muli siya dahil papatayin niya ang ilaw. Matapos niyang patayin ang ilaw ay nag-brown out, ito yung out na kulay brown, sa madaling salita ay nawalan ng kuryente (igugel kung hindi maintindihan). Ayos lamang dahil may bentilador naman siyang de-baterya sa kwarto niya ngunit ninakaw ng carnapper. Kaya kawawa naman siya. Ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata nang sabay, at matapos ay pinilit na lamang niyang matulog, kahit mainit. Pagising-gising siya sa madaling araw, na tila bang umaasa siyang magkakakuryente nang muli. At nakatulog na rin siya nang mahimbing dahil napagod siya kakagising.

Nagising na naman siya kinabukasan. Main switch pala ang napatay niya. Magkatabi kasi yung main switch ng buong bahay nila tsaka yung switch ng ilaw, parehong-pareho pa ng hitsura. Sana man lang daw ay malayu-layo ng konti yung main switch sa switch ng ilaw, ngunit wala siyang magagawa dahil hindi na niya maibabalik ang mga oras na hindi siya makatulog sa sobrang init dahil ninakaw nga ng carnapper yung bentilador.

Kaya kumain na lang siya ng almusal para man lang lumamig ang ulo niya.

Nag-ayos na siya at naghanda para pumunta muli sa lugar na napagkasunduan. At may biglang tumusok sa kaniyang leeg. Nawalan siya ng malay ngunit alam niyang malay nga niya yung nawawala.

"Yung malay ko, nawawalaaaa....." Sabi ni botong.

At nawala nga ang kaniyang malay. Pero tumae muna siya bago nawala yung malay niya.

At nawala na talaga ang kaniyang malay.

Pshiwushiong-shuwishisshishibatotay. Yun ang tunong ng nawawala niyang malay.

Hulihin Si Botong Yunibers (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon