Chapter 3 - Ang Pagkilala

33 0 0
                                    

Nagising si botong sa tabi ng locker niya at nahihilo.

Dinukot pala siya ng upline ni sushi upang idemonstrate sa kaniya yung sumpit na may balang laughing gas.

"Hindi mo namalayang tawa ka ng tawa habang dinadala ka namen dito. Ang pagkaalam mo lang ay natutulog ka.

Ito ay parang hipnotismo pero ang totoo ay inuuto ka lang namen dahil tawa ka lang nang tawa at sagot ka naman nang sagot. Ito ang magagamit mo sa lahat ng mga misyon natin.", basta may nagsabi sa kaniya nun.

Tinuruan si botong mang-holdap ng bangko na hindi gumagamit ng dahas, kun'di sa pamamagitan ng pang uuto. Natuto si botong ng mga technique sa pang-uuto. Pero uto-uto pa rin siya.

Nakalipas ang maghapon at umuwi na siyang muli sa bahay niya.

Nagising ulit siya na nahihilo. Ikalawang araw na pala, kaya pala narinig na naman niya yung pshiwushiong-shuwishisshishibatotay. Naulit ito sa loob ng dalawang buwan. Nasisante na pala si botong sa call center dahil nag-awol siya nang maraming beses (absent without letter). Nauto siyang mag-awol. Ginamit niya ang backpay niya para pambayad sa networking.

Magaling na magaling nang mang uto si botong, na kahit sarili niya ay nauuto niya. Nagcelebrate siya mag isa dahil nauto nya yung sarili nya na magcelebrate.

"Yehey! Nagcecelebrate ako! Hahaha! Teka, baket nga pala ako nagcecelebrate? Ah basta wala akong pakialam basta nagcecelebrate ako.", monologue ni botong.

Sinabihan pala ni botong ang kaniyang sarili na huwag pansinin ang sarili pagka nagtanong siya kung bakit siya nagcelebrate. Bihirang tao ang may kakayahan na ganun.

Nalasing si botong at nasuka ulet dahil hinatid siya ni Sushi at binuksan muli ang aircon.

Buti ay nakita ni Sushi si botong dahil kung hindi, ay baka hindi ito makauwi mag-isa dahil sa Cabanatuan natagpuan ni Sushi si botong, nagkataon lang na bumibili si Sushi ng sundot-kulangot sa Cabanatuan.

Unti-unting nahuhulog ang loob ni Sushi kay botong, at nahuhulog din ang mga laman-loob ni botong kakasuka sa kabahuan ni Sushi, buti na lamang ay may sundot-kulangot panghimagas.

"Botong, magaling ka nang mang uto ngayon. 'Diko alam kung nauuto mo lang ako pero nagkakagusto na ako sa'yo. Sige magpahinga ka na at malapit na ang unang mission naten.", ang sabi ni Sushi the beautiful.

Ninakaw ulet ni botong yung deodorant ni kenie loggins dahil sukang-suka na sya sa kabahuan ni sushi. Nauto nya si sushi na maligo at magdeodorant. Pero nasusuka pa rin si botong kasi nga lasing pa rin siya. Nanghimagas na naman siyang muli, salamat sa sundot-kulangot.

Umalis na si sushi at na-realize niya na kailangan nga niyang maligo at magdeodorant. At naligo na nga siya at nagdeodorant. Mabango na siya ngayon. Sumakay muli siya sa kotse niya pero mabaho pa rin yung kotse nya kaya mabaho pa rin, suma-total. Bumalik na si sushi sa kanilang opisina at nakitang may dini-discuss ang kanilang upline sa mga kasamahan. Ito na pala yung tungkol sa kanilang magiging mission para sa kinabukasan.

Ang buong grupo ay matamang nakinig at matapos ay naging handa na para sa magiging mission nila. At kumanta sila ng muntik nang maabot ang langit dahil masaya silang lahat.

Umaasa silang lahat na magtatagumpay sila sa kanilang mission.

Handang-handa na sila para sa kanilang unang mission para sa kinabukasan.

Hulihin Si Botong Yunibers (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon