Chapter 6 - Sa Piling Ni Mang Hestas

35 0 0
                                    

Lumipas ang anim na araw at hindi pa rin pumapasok si sushi sa opisina. Pero may excuse letter naman tsaka may med cert. Madali lang kasi umabsent sa kanila dahil sa nature ng kanilang trabaho.

Nag-aalala si botong kay sushi. Sa araw-araw na tagumpay ng grupo sa panghoholdap ay hindi niya maramdaman ang tagumpay, dahil wala naman si sushi. Ang hindi niya alam, pati si sushi ay umiiyak araw araw. Dahil kapitbahay ni sushi ay nagtitinda ng shawarma.

Pero umiiyak din si sushi dahil mayroon siyang bagay na hindi pa pwedng ipaalam kay botong. Isa itong sikreto na talagang hindi pwedeng ipaalam, kahit na may mang-uto pa sa kaniya.

Napag-isipan ni sushi na lumayo at magpadala ng excuse letter at medcert araw-araw sa loob ng isang buwan.

Naisipan ni sushi na magtago sa zambales. Maganda ang lugar at maraming resort sa dagat na pwedeng tambayan. Tahimik na lugar at malapit sa subik.

Nakitira si sushi sa isang pamilyang mababait at magagalang. Ang pamilya ni mang hestas. Si mang hestas ay call center agent pero natanggal din dahil nag awol. Pero nag-aaply pa rin siya sa ibang call center. Sa kasalukuyan ay nagtitinda lamang ito ng basahan sa highway.

May mga anak si mang hestas. Isang ampon na si amparo, dalawang kidnap na sina chiao pyumchiek yu at ming leeyachiukie yu, pero dimasalang na ang apelyido nila ngayon dahil pinapalitan na ni mang hestas, at isang tunay na anak na si kid napoleon. Pinakamahal niya yung mga kidnap dahil at least hindi daw sila ampon, pero hindi na nakakapagsalita dahil pinutol ni mang hestas yung dila nung time na hinohostage pa lang niya yung mga batang kinidnap niya. At yung tunay na anak niya naman ay isa nang ganap na kidnapper kaya hindi nya mahal dahil masamang mangidnap. Magagalit ang mga pulis.

nagsisinungaling na lamang si mang hestas pagka tinatanong siya kung mahal niya ang tunay niyang anak.

Papafather, do u love me ba? Tanong ni kid napoleon.

Yeah napoleon. Wharterver. Sagot ni mang hestas. At nagsusuka pagkatapos. At tumatakbo ng mabilis palabas ng barrio. Tapos babalik sa bahay na humihingal na parang walang nangyari.

Ow, look at the stars o.. Yan ang laging dialogue ni mang hestas tuwing umuuwi galing sa pagsisinungaling. Kaya ramdam na ramdam ni kid napoleon na sinungaling ang tatay niya.

Isang pagkakataon matapos tumae si sushi ay nakita nyang nagmumukmok si mang hestas at umiiyak. Yun pala ay may isang sakong sibuyas na nasagasaan ng trak sa labas ng bahay nila. Pero malungkot talaga si mang hestas dahil wala siyang load. Kasi imbis na pambili ng load ay pinambili niya na lang ng basahan para maibenta sa highway. At ang problema din ni mang hestas ay wala siyang teksmate. Meron palang isang teksmate pero hindi marunong magteks. nakikiteks lang sa nanay para maisend kay mang hestas tapos na grounded ng nanay dahil malaswa daw ito.

Ikinuwento na rin ni mang hestas ang problema nilang mag-anak sa pera. Minsan daw ay talagang sinasabawan na lang nila yung basahan para may maiulam. Minsan ay sinigang na basahan, adobong basahan, minsan talaga'y hilaw na basahan na lang ang kinakain nila.

Mang hestas, huwag na lang po kayo magbenta ng basahan, heto po ang 100,000 pesos kapalit ng pagkupkop nyo sa akin. Para makapagsimula ulit kayong mag anak. Hindi nyo na kailangang magtrabaho pa. Sabi ni sushi kay mang hestas.

Hulihin Si Botong Yunibers (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon