Ang pansamantalang pagbabalik
May surpresa ako sayo botong. Sabi ni upline ninja collingsworth, ang boss ng oxygen oxygen.
Ano po un boss?
Yung paborito mong ice cream, may bagong flavor plus 1. Hehehe.
Ows talaga po?
Oo botong,cge humayo ka at ilibre moko.
At pgdating ng panahon ay magppaslamat ka sa akin dahil isa ka sa magging pnkamayaman sa pinas. Hahahaha. Hahahaah.
Mga tauhan: hahahaha. Hahahaha.
Janitor: hahahaha. Hahahaha.
At lumabas si botong sa cubicle niya at sino itong magandang babaeng nakita niya.
Oo tama. Siya nga si sushi. Nangitim siya ha pero in fairness maganda pa rin.
Napaluha si botong dahil miss na miss na niya si sushi at may sibuyas na naligaw sa balikat niya.
Sushi, miss na miss na kita. Saan ka nanggaling. Mag usap tayo pls.
Cge mag uusap nga tayo. Sabi ni sushi.
Magkita tayo sa restawran sa baywalk. Mamayang gabi. Kapag tumilaok ang manok, makikita mo ako doon.
Pasimple silang hindi nagpansinan sa trabaho, maging sa kanilang naging mission noong araw na iyon. Hinoldap ulet nila yung onion bank sa makati at kumita nanaman sila.
Dumating ang gabi, nagpunta si botong sa meeting place nila. Nagdala siya ng manok para makasigurado talagang maririnig niya yung tilaok. Ngunit paos pala ang boses ng manok dahil nanood ito ng sabong kaninang umaga. At nakarinig ito ng tilaok, pero galing sa celfone niya yung tunog. Nai-set pala ni sushi yung celfone ni botong na maging tilaok yung ringtone. Yun pala yung tawag ni sushi. At nagkita sila.
Pinamigay ni botong yung manok sa mga bata at natuwa naman ang mga ito dahil may utang silang manok sa kapitbahay.
Botong, may kailangan kang malaman.
Talaga, kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa iyo. Sobrang tagal mong nawala. Anong gs2 mong isipin ko?
Makinig ka muna botong, hindi nila pwedeng malaman yun tungkol sa atin.
Bakit?
Mahabang istorya. Nito ko na lang din nalaman ang tungkol sa pagkatao ko. Aksidenteng nakita ko yung biofile ko sa oxygen.
Nalaman ko na ang tunay kong magulang ay sina keni at beth loggins. Dinukot ako ng agent yunibers ng kalaban nating grupo at napasakaniya ako nang 5 months. At kinuha ako ni upline ninja collingsworth, pero nagtataka ako bakit ngayon ko lang siya nakilala nung malaki na ako. Naguguluhan din ako sa nabasa ko. Gs2 kong malaman ang katotohanan at pagkatapos ay magsimula tayong muli botong.
Keni at beth loggins? Teka magulang ko yung tinutukoy mo ah.
Hindi, botong ampon ka lang nila.
Kalokohan!
Totoo botong maniwala ka sa akin.
Ang totoo mong ama ay ang agent yunibers ng kabilang grupo.
Sinong agent yunibers?
Hindi ko pa alam, siya raw yung dumukot sa akin pero wala akong matandaan, cguro sanggol pa ako nun. pero ang sabi ay ipinapatay siya ni upline ninja collingsworth.
Natatakot ako botong dhl isa sa mission na inatas sa akin ay patayin ka. Mayroon na siyang pinapatay sakin at ayoko nang gawin iyon dahil mahal na mahal na kita. Umalis na tayo sa grupo. Ayoko na. Manahimik na lang tayo.