love is blind

114 1 0
                                    

pinunasan ko na yung luha ko at tumakbo papunta dito sa staffers room ,

eto na ko sa harap ng pinto huminga muna ako ng malalim bago pumasok .

kaya ko to !!

pagpasok ko sa pinto nadurog na naman yung puso ko .

nakita ko kasi si Ken saka si Grace magkalapit yung mukha ,

ayan na naman si mr. heart unti-unti na namang nadudurog feeling ko nga tinapak-tapakan pa yung nadurog na parts ng puso ko eh .

Im sorry mr.heart dahil sa katangahan ko nasasaktan ka tuloy ,

nasasaktan tuloy ako :(

ang tanga ko kasi eh napaka assuming ko pa .

" a-ah Shaine !! sorry nakita mo pa kaming ganito ! sory talaga ! "

sabi ni Grace sakin tapos lumayo na siya kay Grace si Ken din lumayo na kay Grace .

salamat Ken at lumayo ka na dahil kung hindi mo pa ginawa yun baka mamatay na ko sa sobrang selos , kahit na wala akong karapatang makaramdam ng selos salamat pa rin at lumayo ka na .

" ah hindi , ok lang !! ayyiieeee !!! kayo na noh ?!! "

mali ! sinungaling ka talaga Shaine ! sinong may sabi na ok ka lang ha ? eh sa totoo nga pati puso mo gusto ng magpakamatay eh !!

paayiie-ayyiiee pa ko eh sa totoo lang gusto ko ng umalis dito sa kinatatayuan ko at tumakbo papalayo sa kanila kaya lang mas magmumuka lang akong tanga non mas ipapakita ko pang mahina ako .

kunwari pa kong kinikilig para sa kanila eh sa totoo nga lang nasasaktan na ko ,

nasasaktan na ko ng sobra .

nakita kong tumingin si Grace kay Ken tapos si Ken umiling lang .

" a-ah S-shaine !! kamusta ka na !? "

Grace change the topic , maybe she knew na masasaktan ako pag sinabi niya yung totoo , pag sinabi niyang sila na nga ng taong mahal ko .

at siguro rin alam na ni Ken na mahal ko siya kaya umiling siya .

" ako ? ok lang naman ako ! "

tinanong mo pa kung kamusta na ko ? eh alam mo naman kung anong sagot dun . alam mo naman na hindi ako ok .

" ah Grace pwedeng kausapin ko muna si Ken ? "

sa susunod na ginawa ni Grace alam kong dun na ko tuluyang maiiyak at sobrang masasaktan .

nilapitan ni Grace si Ken tapos nakita kong papalapit na naman yung muka ni Grace kay Ken , gusto kong tumalikod para hindi ko makitang maglalapit yung muka nila pero hindi ko magawa kaya yumuko na lang ako .

naglakad na papalayo si Grace kaya dun na ko tumingala tapos nilapitan ko na si Ken ,

Ken smile at me . that smile is my greatest weakness .

hindi tuloy ako makapagsalita .

" buti ka pa nakakangiti , ako hindi "

' ako hindi , kasi sinasaktan mo ko , sa ngiti mong yan lalo mo lang pinapaalala sakin na masaya ka sa iba , na masaya ka kay Grace , na wala akong kakayahang pangitiin ka ng ganyan gaya ng ginawagawa ni Grace , na wala akong karapatan na pasayahin ka ng ganyan . '

gusto kong sabihin sa kanya lahat ng yon pero hindi ko masabi kasi naduduwag ako , natatakot ako na baka pag sinabi ko yun lalo lang ipamuka sakin ni Ken na hindi niya ko kayang mahalin .

" kailangan kong ngumiti kasi alam kong may ibang tao na sumasaya pag nakikitang ngumingiti ako "

natahimik ako sa sinabi ni Ken na yun , tama siya isa ako sa sumasaya pag nakikita kong ngumingiti siya pero ngayon dahil sa ngiti niya kaya ako nasasaktan kasi sa ngiti niyang yun lalo ko lang narerealize na ibang tao ang dahilan kaya siya ngumingiti .

Uy crush ! I Love You <3 ( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon