Kaya bumili na ang sila ng tinapay palaman hotdog.
Pagkatapos nilang masarapan ay naalala nila sina botong at sushi. Sana raw a kasama nila yung dalawa kasi sobrang sarap. At naalala nilang kalaban na pala nila yung dalawa. At naalala nilang kinidnap nila si botong. At naalala nilang nauto sila ni sushi. At naalala nilang iniwan nila yung dalawa. At naalala rin nilang hindi pa sila nagbabayad. At nagbayad na sila. At naalala nila agad na nagbayad nga sila. At naalala rin agad ng tindera na panis pala yung hotdog na tinda niya. Pero d nya na lang pinaalam kasi narinig niya na masarap.
At naalala ng narrator na kailangan nya nang bumalik sa istorya.
At pinuntahan na lang ng O2O2 ang bahay nila botong. At nakita nila na may kissing scene yung dalawa. Wala kasi sina kenni at beth loggins.
Aha! May kissing scene kayo! Magshuta pala kayo ha. Papatayin ko kayo. Taksil ka sushi. At nagsuntukan silang lahat. Habang nagsusuntukan sila ay tumatakas naman sila botong at sushi.
Hindi pala kasama sa suntukan sila botong at sushi, yung mga uto-uto lang pala ang nagsuntukan.
Ngunit naabutan ito ni upline ninja at balak talagang patayin sina botong at sushi. Kaya nung may pagkakataon ay nakita niyang pwedng saksakin sa likod si botong. Iyon na ang pagkakataon niya ngunit wala pala siyang kutsilyo. Baril lang meron. Kaya kinuha niya yung baril at itinutok kay botong. Pagkalabit niya ng baril ay walang nagyari dahil hindi pa nakakasa. Kaya kinasa niya ang baril. At sa wakas, pumutok ito. Masama palang kalabitin ang baril. Pumuputok.
Bnaril niya si botong. Ngunit duleng pala si upline ninja kaya si sushi ang tinamaan niya. Tinamaan niya sa noo. Parang third eye. Nagulat si upline ninja kaya inawat niya ang mga tauhan niyang nagsusuntukan lahat at tumakas na sila. Nagtaka pala sila at narealize nila na mukha silang tanga na nagsusuntukan lahat nang sabay sabay pero wala na yung kalaban nila.
Samantalang si sushi ay naghihingalo na. Iyak ng iyak si botong dahil mawawala na ang kaniyang pinakamamahal na si sushi.
Botong, mamamatay na ako. (Ubo 2x)
Sa ulo kasi yung tama sa akin e. Eto o, sa pagitan ng dalawang mata ko. Kaya hindi ko makita yung sugat. Panget ba yung sugat?
Maganda sushi. Huhuhuhu. Huhuhuhu. Sushi. Mahal na mahal kita. Wag moko iwan.
Botong makinig kang mabuti. Heto yung mga cd. Nandiyan ang mga pdf files na nakuha ko. Yung isang file doon ay makikita mo kung nasaan ang tunay mong ama.
Sushi!!!! Sushi!!! Wag moko iwan. Huhuhu.
Gaga, di pako patay mamaya pa. Nararamdaman kong tatagal pa ako ng anim na oras. Tapos namatay na agad si sushi pagkaraan ng anim na minuto.
Waaaaaaahhhhhh!!!! Waaaaaahhhhh!!!!
Sabi ni botong. Sushiii!!!
Humanda kayong lahat!!! Gagantihan ko kayo!!! Waaaaahhhhhhh!!!!
Tapos ay may batang nagbigay kay botong ng isang basong tubig.
Wala na si sushi. Wala na ang pinakamamahal ni botong. Sadyang wala nang silbi ang buhay niya.
Isa lamang ang nasa isip ni botong: ipalibing si sushi at ipagtapat kina kenni loggins at beth ang katotohanan sa pagkatao ni sushi.
Tsaka gusto pa rin pala nya gumanti. Gumanti para sa kaniyang mahal sa buhay.
Ngunit kailangan munang maglamay para kay sushi.
Halos mabaliw si botong at parang wala na rin siyang ganang mabuhay. Iyak siya ng iyak. Sa bawat isang minuto ay anim na beses siyang umiiyak.
Kailangan talagang harapin ang isang hamon sa buhay na hindi niya naisip na haharapin niya talaga agad.
(Tumutugtog na kanta habang lumuluha si botong:
"ang buhay ay ganiyan talaga.
Ikaw ay mapapaluha.
Kung iisipin natin talaga
hindi lang sibuyas ang nagpapaluha kundi pati na ang shuta
na binaril sa noo.")
Ikalawang araw ng lamay. Puyat na puyat si botong at antok na antok na siya. Nakatulog si botong at nanaginip. Napanaginipan niya na masarap pala ang tnapay palaman hotdog.
Tapos ay nagising siya.
Nalungkot nanaman siya at naiyak. Inisip niya na lang na masarap talaga yung tinapay palaman hotdog.
Kinabukasan ay may nagpunta sa burol ni sushi. Isa itong estranghero. Pero kamukha ni donatello. Siguro ay idol niya ang mga ninja turtle. May ipinadala sa kaniyang sulat.
Agent yunibers. Kailangan ka namin mamayang alas siyete ng tanghali. Kung hindi ka pupunta ay hindi ka namin makikita at magtatampo kami. Pero para maniwala ka sa amin ay bibigyan ka namin ng isang patunay na may kapangyarihan kami.
Alam namin na masarap talaga ang tinapay palaman hotdog.
Magpakita sa amin at ipapaliwanag namin sa iyo.
2872 Shelton park, mandaluyong
Paano nila nalaman yun? Sige magpupunta ako.
At umalis na ang estranghero dahil wala pala siyang salawal.
Pupunta ako dun. Hintayin ninyo ako doon, tinapay palaman hotdog.
at nakatulog ulit siya sa loob ng family room. Tapos ay nagising siya dahil gusto niyang umihe. Pagpunta niya sa cr ay may nakita siyang salawal. Pero hindi siya interesado kaya tinapakan na lang niya. Pagkatapos niyang umihe ay may nakita siyang pocketbook sa may gripo. Ang title ay sinigang na dilis para sa isang mongoloid. At bigla siyang nalungkot at naiyak dahil ambaho ng pocketbook at naalala nanaman niya si sushi. Kaya tumakas na lang siya at tumambay sa labas. Habang nagmumuni muni siya ay bigla siyang binato ng unggoy. Hindi unggoy yung nambato kundi unggoy ang hinagis sa kaniya ng barangay tanod. Napikon yung unggoy kaya sinampal niya si botong. Nasaktan si botong at sinumbong yung unggoy sa pulis. Hindi siya pinansin ng pulis. Kaya bumalik na lang siya sa burol at nagpahinga.
Kinabukasan..
Alas sais pa lang ng tanghali ay nagpunta na siya sa headquarters.
Ang ganda ganda naman ng hadquarters nila. At may elevator pa. Pero isang palapag lamang yung kanilang building pero maganda naman yung elevator. At pumasok na siya sa loob. Type siya ng guwardiya dahil ang puge niya, pero kelangan lang nyang magparetoke ng ilong, ng baba, ng talukap ng mata at makapal na bibig.
Ampuge naman nun pero kelangan lang nyang magparetoke ng ilong, ng baba, ng talukap ng mata at makapal na bibig. Sabi ng guwardiya.
Naghintay siya ng isang oras dahil usapan nila ay alas siyete.