Chapter 10 - "AMPMAC9" (Ang mga pangyayari matapos ang chapter 9)

21 0 0
                                    

Alas tres ng madaling araw. Dahan-dahang hinimatay ang mga guwardiya ng isang malaking TV station, ang channel 3. Mas malaki ito sa channel 2 dahil ito ay channel 3. Napakabilis ng mga pangyayari at naholdap na nila agad ang buong bilding. Maski ang author ay hindi maipaliwanag dahil mabilis talaga. Talagang napakinabangan nila ang kanilang matagal na pinaghirapan.

"Magandang umaga, Pilipinas. Ako ay si Ninja Collingsworth. Sa mga oras na ito ay hawak namin ang lahat ng mga estudyante sa buong bansa. Salamat sa aking kapangyarihan na mang-uto ng mga tao at nagawa namin ang isang malawakang pang-uuto.", sabi ni upline ninja collingsworth na nakaharap sa camera ng channel 3 at nakabroadcast sa buong Pilipinas. "Simple lamang ang aking kahilingan. Kailangan ko lang ng bentepesos sa bawat estudyante sa buong Pilipinas at kapag nakapagbigay na sila ay maaari na silang makauwe. At magiging mayaman na mayaman na ako dahil bentepesos x lahat ng estudyante sa Pinas equals: Kayamanan! Huwahahahaha.  Huwahahahhaha ulet."

Ngunit wala palang pasok sa buong Pilipinas dahil special holiday, ginawa kasing holiday ng presidente ang araw na iyon ng biyernes para long weekend daw.

"Huwahaaahaha. Huwahahaaha.", sabi pa rin ni upline ninja collingsworth dahil hindi pa rn niya alam na walang pasok.

"Ser, may nagtxt po sa akin sabi po walang pasok. Kaya wala raw po silang ma-trap na mga iskwelahan.", sabi ng isa niyang tauhan.

Kaya namuo ang galit ni upline ninja at nagyaya na lang siya magjellyby. Bumili siya ng kiddie meal para may laruan.

May isang taong pogi pero mukhang hotdog na dumarating. Si Botong Yunibers.

Dumating si Botong Yunibers sa labas ng Jellyby. Inaantabayanan pala ng grupong kilusang damucow or 1kd ang grupong Oxygen-Oxygen (O2O2).

Wala nang pinalampas na pagkakataon si Botong Yunibers at inatake agad ang mga tauhan ng O2O2. Ginamitan ni Botong Yunibers ang mga kalaban ng bagong kungpu na itinuro ng kaniyang ama sa kaniya. Kungpu sila ng kungpu at tamblingan ng tamblingan. Pagkatapos tumambling ay kungpu ulet. "Kungpu! Kungpu!", sabi ni Botong Yunibers. Wala silang ginawa noon kundi ang magkungpuhan kaliwa't kanan.

Nahalata ni upline ninja collingsworth na si Botong Yunibers ang umaatake at nagulat siya dahil nagmukhang hotdog. Inutusan niya ang mga tauan niya na hulihin si Botong Yunibers. Ngunit sadyang hindi nila kaya. Masyadong magaling si Botong Yunibers, kung anuman yung kagalingan na iyon. Ngunit katapat pa rin niya ay ang kalakasan ni upline ninja collingsworth. Ginamit ni Botong Yunibers ang kaniyang special teknik na itinuro ng kaniyang ama.

Ngunit kabisado rin pala yon ni upline ninja kaya nung tumambling si Botong Yunibers ay nahawakan siya ni upline ninja sa leeg sa pamamagitan ng kaliwang kamay at kilikili sa kanan.

At dumating naman si russian moreno. Kasama ng mga taong nag-unano-unanuan. At inatake si ninja collingsworth.

At nag-martial-arts sila russian moreno at ninja collingsworth. Wala kang ibang maririnig kundi ang martial arts. "Martial arts! Martial arts!", sabi ni russian moreno. Napakatagal nilang maglaban dahil masiyado na nilang kabisado ang kanilang sarili. Ngunit masiyadong praktisado ngayon si ninja collingsworth kaya nagulpi niya si russian moreno. Hinagis ni ninja collingsworth si russian moreno sa malayo. "Waaaaahhhh anlayooo! Ng hagiiisss!!!", sabi ni russian moreno dahil mlayo nga ang hagis sa kaniya ni upline ninja. Ito naman ang ikinagalit ni Botong Yunibers. Naalala niya ang kamatayan ni sushi. "Bishung!", iyon ang tunog ng putok ng baril na bumutas sa noo ni sushi. Naalala na naman ni Botong ang tunog na bishung at ang pangako niya na ipaghihiganti niya ang kaniyang kamatayan. Kaya pinaghahagisan niya ng granada ang mga O2O2, samantalang nagtakbuhan naman ang mga taga 1kd. Hindi nahalata ng O2O2 na granada ang inihagis ni Botong Yunibers dahil hotdogang hitsura. At sumabog silang lahat. Basta sumabog kaya namatay sila. May isang natirang buhay ngunit kinagat ng asong may rabies at nahulog sa bangin dahil napuwing sa laway ng aso. May dala palang mga granada si Botong Yunibers. Bakit kasi puro sila kungpu ng kungpu at martial arts ng martial arts kung marami namang granada.

Wala na ang grupong Oxygen-Oxygen. Masaya ang grupong 1kd dahil tapos na rin ang kanilang paghihirap. Salamat sa operation hotdog hatdugan eklabu hotdogness at nagtagumpay sila.

Masaya silang bumalik sa shelton park, mandaluyong, ngunit si botong ay nagpunta sa sementeryo. "Bishung!", naalala niya na naman....

Hulihin Si Botong Yunibers (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon