Simcard

75 2 1
                                    

Ako si Sharlene. Isang kolehiyala ng NTC nasa apat na antas na ako ng aking pag-aaral kumukuha ako ng kurso Edukasyon sa elementarya isa na akong Student Teacher. Dati pangarap ko nalang ito yun pala ay makakamit ko din :)

Dito lahat nag simula ang aking kwentong PAG-IBIG :)

Gregorio Perfecto diyan ako nag high school hindi man siya sikat na eskwelahan basta malapit at may matutunan ako ayos na sa akin yun :)

Mahal ako ng mga classmate ko at kaibigan ko, kaya ayun gusto nila ako mag ka Lovelife .. actually gusto ko din ma feel yun na fefefeel nila.

Uso nuon ang Sun Cellular sa section namin halos na ata e naka Sun na simcard.  Nag karoon ako ng sun kasi magkakaron kami ng practice eh halos lahat sun kaya nag karoon ako. Sinubukan ko mag GM sa sim na yun nagulat na lamang ako ng may mag reply na number hindi ko naman kilala.

UNKNOWN: Hu u?

AKO: hu u ka diyan? ikaw itong nagtext. 

UNKNOWN: san mo nalaman number ko?

AKO: malay ko. andito na lang yun basta basta sa sim ko.

UNKNOWN: ano panggalan mo?

AKO: sharlene/shasha. Ikaw?

UNKNOWN: ako nga pala si Gerard :)

Diyan nag simula kaming nagkakilala ni Gerard accidentally ko lang siya nakilala. Ang alam ko lang hindi siya kilala ng mga kaklase ko .. Hindi ko din naman kiniwento yung tungkol dun sa sim card na yun. Halos maadik na ako kakatext sa kanya.

Si Gerard na nag-aaral sa Manila High School yun lang ang alam ko tungkol sakanya nuon dahil sa hindi pa nga kami nagkikita .. 

Araw-araw, minuminuto, gabi-gani nalang kami magkatext ni Gerard.

GERARD: sharlene anong gusto mong tawagan natin?

AKO: hala! may ganun pa? kahit ano lang.

GERARD: gusto mo Harty nalang?

AKO: sige yun nalang :)

Mula niyan parang nagkakagusto na ako sakanya. 15/16 years old ako ng mga taon na yan mas matanda lang siya sa akin ng buwan.

Nagkamabutihan kami sa text. Uso pa uon ang friendster kaya hiningi ko yung e-mail niya para makita siya pero magulo pero alam ko mataba siya :D

Nagdesisyon kami magkita sa Pavia kung saan alam namin na lugar kila fanny kami magkikita isang tindahan ng school supplies.

Hindi siya nuon sumama sa family niya papunta ng cavite ata o star city para lang magkita kaming dalawa.

Papunta na ako sa pavia kasama yung pinsan ko na dupper close ko. Hindi ko napansin na pareho pala kaming naka tokong at naka pink na t-shirt e yun ang nasabe ko kay gerard HALA!

Huminto kami sa isang maliit na tindahan na parang bahay tapat ng tindahan ni Fanny may nakita akong lalaki na nakatayo na mataba. Sumusulyap sulyap kami ni Lea. 

AKO: bhe ayun ata yun e? 

LEA: pano mo naman nasabi bhe?

AKO: mataba siya e.

LEA: lapitan na kasi natin.

AKO: mamaya nahihiya talaga ako. 

LEA: tumitingin siya dito.

AKO: hala umayos ka ng pwesto.

Magkaharap na kami ni Lea.

LEA: (ngumunguso sa akin)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SimcardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon