Somebody that I used to know (One Shot)

576 8 7
                                    

AN: This one is dedicated po sa inyo ate. Sobrang nabilib po ako sa pagkakasulat nung MN1IMH and ABMMN1. Kahit po mahaba siya di po ako nabored at lalo po akong naexcite. Keep up the good work po. and Godbless. :)

Actually dati ko pa nasulat to. Ngayon ko lng ipa'publish. Sana magustuhan niyo khit medyo napahaba. Hihihi. Enjoy. ~ :"")

*******************

Prologue

Life is full of choices.

Choices like..

Yes or No.

Kahit sa mga simpleng bagay, kailangan nating mag-desisyon.

Anong mas masarap?

Coke o Sprite?

Anong mas magandang brand ng Cellphone?

Nokia o Samsung?

Anong mas magandang Pencil?

Mongol o Faber Castell?

Anong mas magandang brand ng napkin?

Modess o Charmee?

With wings ba?

Saan ka pupunta?

Left?

O

Right?

See. Sa araw-araw, marami tayong mga nagiging desisyon. Kailangan nating pumili..

Sa ayaw at gusto mo, pipili at pipili ka pa rin..

You cannot have both.

When you choose this, you need to let go of the other one.

Kapag nakapili ka na, ayun na yun.

Di ka na pwedeng bumalik at sabihing, "Uy joke lang!"

Sa bawat desisyon na gagawin mo, kailangan mo muna itong pag-isipan ng maraming beses.

In every decision we make, we choose what we think is ''better'' ..

Hindi natin namamalayan that choosing 'better' is already loosing the ''best''.

******

First of all I'm Ashley Nadine Reyes, Ashie or Ash for short. 17 years old and a junior highschool. Mabait, masayahin, pala-ngiti, matalino, gusto ng lahat, parang walang problema at puno ng happiness sa katawan.

That was before..

Maka-ngiti pa kaya ako after what happened to us?

So here it goes.

I'm just a typical student. Simple pero maingay, masipag mangopya, tawa ng tawa kahit may teacher, kumakain habang nagka-klase, nagtete-text kahit bawal, nagsa-soundtrip kasi boring ang teacher at marami pang kalokohan na alam gawin ng mga students ngayon. Hoy! Huwag kayo! Matalino ako ha? Nasa first section ako eh. :PP Tamad nga lang.

 "Uy. Matatapos ka pa ba diyan?"

"Oo na. Ayan na. Hintayin mo nalang ako sa labas." sigaw ko mula sa loob ng classroom. Dismissal na kasi namin at nag-aayos pa ako ng gamit.

Siya nga pala si Jaeda Marie Santiago, bestfriend ko. Kung ano ako, ganun din siya. Para na nga kaming kambal eh.

Paglabas ko, umalis na kaagad kami. Sabay kaming umuuwi kasi dadaanan ko rin naman yung bahay nila. Minsan nga sleepover pa ako sa kanila eh.

Somebody that I used to know (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon