~ AYRA ~
"Ate, huwag mo masyadong kapalan yung make up huh." sabi ko kay ate-kuyang make up artist. "Sure, konti lang para bongga." sabi niya naman sabay ngiti.
Excited na ako sa party. In just four hours mag sisimula na. Kaya naman ako, andito sa room, nagpapaganda habang umiinom ng — "Naku ma'am! Nabasag ko po yata!" sabi ni ate-kuyang make up artist. "Anong yata! Nabasag mo kuya... ate huhuhuh malas yan." sabi ko noong nakitang nabasag ni ate-kuyang make up artist yung wine glass kong may lamang Coke. "Patay kuya, di kaya magkakasunog sa party ko? O di kaya lilindog. Naku yung #PrayForAyrasParty magtretrending. Kuyaaaaaa naman eh mag ingat ka next time." sabi ko at nagsorry naman siya. Sige na nga lang, good vibes lang!
"Best, andito na ako sa lobby, naghihintay kay Dustin." sabi ng text ni Ayra. "Ano!? Hoy bestie tignan mo nga yung oras, tanghali pa. Bat andyan ka na? Excited lang?" reply ko. "Sus ako pa. Siyempre excited ako sa party mo pero tbh mas excited talaga akong makita siya." reply niya. "Ewan ko sayo, matulog ka muna diyan sa lobby, sure ako maboboringan ka sa kakaintay sa kanya." reply ko. "Ako? Excuse me, I'm actually having fun looking at these foreigners na checheck-in. May Korean, Japanese, and I think this one's Brazilian. Sus ako pa." reply niya.
Hay nako, parang ewan talaga tong si Nica. "Naku best nakalimutan kong magdala ng mask!" text niya. "Sus ikaw pa, mahahanapan mo yan ng paraaan." reply ko.
"Ma'am, final na po ba yung list ng guest?" tanong ng event organizer. "Oo final na yun." sabi ko. "Actually ma'am, pwede pa kayong mag add ng mga 25 guests, marami pang slots eh." suggest niya. "Ah talaga, sige ano nalang, di kasi ako sure kung nabigyan ko ba lahat ng friends ko ng invitation, so, basta't kilala nila ako, papasukin mo nalang ha." sabi ko. "Pero ma'am paano po namin maveverify kung wala silang invitation?" tanong niya. "Ganito nalang, huwag mo na gawing requisite yung invitation, basta nakasuot sila ng proper costume with or without invitation. Sure naman ako, alam nila lahat yung dress code." sabi ko. "Sige ho ma'am." approve ng event organizer.
Makalipas ang tatlong oras nakarating na ako sa party. Andaming balloons, may mga bulaklak pa at ang pormal tignan ng ayos. Parang prom lang. Greetings dito, greetings doon. May gifts pa. Nako, thank you Lord for these blessings.
Maliit man o malaki, basta't bigay ng Diyos, dapat ipagpasalamat.
Masaya akong makita ang aking mga kapamilya, kaibigan at kaklase, sayang wala siya dito para makita kung gaano ako kasaya.
Teka... Sino yung naka white coat? Di ko yata ma identify kung sino. Dahil yata sa mask niya o madilim lang talaga.
Teka, baka hold-upper siya!?
"Happy birthday Ayra bells!" panggulat na bati sakin ni Krista, close friend ko noong high school, habang suot ang kanyang stunning orange gown. "Thank you, matanong ko lang, ponkan lang yung peg mo today?" sabi ko. Nagtawanan kami pero natigil ang tawa ko noong nakita ko ulit yung misteryosong lalaki. Nagpaalam muna si Krista para magretouch sa CR, pero ako dito, tulala.
Baka waiter lang siya dito... O di kaya ... serial killer... O di kaya — ARAAAAAY!
Aray ko yung noo ko! "Hi bestie! Happy happy birthday!" sigaw ni Ayra tas niyakap pa ako. "Thank you bestie, pero di mo naman kailangang batukan ang noo ko, sige ka, dumilim!" sabi ko tas nagtawanan naman kami. "Nga pala bestie, this is Dustin." pakilala ni Nica sa kasama niya. "Hoy Dustin! Si Ayra bestfriend ko. Saan ka ba nakatingin at parang may hinahanap ka?" tanong ni Nica. "Nako best, naghahanap ng ibang ka date!" birong bulong ko kay Nica. "Ah sorry. Hi Ayra." bati ni Dustin sabay handshake. "Happy birthday nga pala, salamat sa invitation." sabi niya. Suuus ang sarap sabihin ang totoo na di ko naman talaga siya ininvite, si Nica lang may gusto. "Nga pala, excuse me, mag-ccr lang ako." sabi ni Dustin. "Sige." sabi namin ni Nica.
At yun nga, umalis si Dustin at nagkaroon kami ng girl talk ni Nica. "Nga pala, san galing yang mask mo bestie na parang weird tignan." tanong ko. "Ahh ano... Hihihihi ano... May guest kasi kanina..." sabi niya. "Tapos?" tanong ko. "Hawaiian..." sabi niya. "Pizza?" tanong ko, parang nagugutom ako. "Hindi ano ka ba, may guest kasi kanina isang Hawaiian, tas may dala siyang mask, kaya hiningi ko. Okay lang naman daw sa kanya, madami daw nito sa kanila... Tiki mask yata yung tawag." sagot niya. "Anooooo!? Kapal muks mo talaga bestie." react ko. "Anyways it was all worth it." At nagtawanan kaming dalawa nang biglang may narinig kaming...
Putok ng baril.
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...