"WAAAAAAAH BESHIE NAG-SMILE NA SIYA SA AKIN!"
"Oh talaga? Smile ka din."
"Ganto? :D "
"Hindi. Konti lang."
"Ganto? :)" teka, naiisahan na ata ako ng babaeng toh. Binatukan ko nga.
"Aray naman Beshie, ang sakit nun ah." tapos hinimas himas niya pa yung ulo niya. Binatukan ko rin yung sarili ko, hindi ko alam kung paano ko yun ginawa pero bahala na. Sinabayan ko pa kasi yung kalokohan nung babaeng toh eh.
"Ayan ah, quits na tayo?" tumango-tango lang siya. "So.. ano nga pala yung pinuputok ng butsi mo kanina?" sabi ko habang hinihimas yung ulo ko. Mapalakas ata yung batok ko eh, hay nako. Nagulat naman ako kasi bigla niya kong pinag-alog tapos pinaghahampas habang ngiting-ngiti. Baliw na ba toh? "Teka nga. OA ka masyado, pinagkwekwento lang kita." inayos niya naman yung sarili niya tapos ngiting-ngiting humarap sakin.
"EH KASI.. WAAAAAH... SI ANO... YIEEEE... ANO...." tinignan ko siya ng masama at mukhang na-gets naman niya yung nais kong ipahiwatig."Eh ano kasi si Mr. Blueshoes nginitian niya na ko! WAAAAAAH HEAVEN TOH." tapos hinahampas hampas niya na naman ako.
"Handali lang beshie ah. Pang-ilang beses mo na bang sinabi sakin toh. Uhm, mga pang-101 na ata? Hay nako, alam mo namang may girlfriend yung tao nag-aasume ka pa rin." walang buhay kong sabi. Pranka ako? OO. Pero hindi naman kami nagkakatampuhan nito kasi sanay kami sa ugali ng isa't isa.
"Tse! Eh bakit ikaw?! May girlfriend na rin naman yung 4-year-crush mo ah?!" tapos nilakihan niya pa ko ng mata. Awch hah, yung sa kanya eh medyo binibiro ko lang siya. Pero bakit yung akin parang may kirot?
"Heh, atleast loyal tsaka di naman ako umaasa dun eh." tapos tinalikuran ko siya. Alam kong actress ako, pero pagdating sa love di mo maasahan mapa-arte diyan. ASAR.
"Aysuuuus, ako pa niloko mo. Osya, ii-stalk ko lang si Mr. Blueshoes. GOOD LUCK SA 4-YEAR CRUSH MO HAH! VAVUUUUU." at tuluyan na ngang tumakbo ang loka. Hay nako, tinamaan talaga ako dun sa sinabi niya. Tama nga naman siya may girlfriend na yung 4-year crush ko.
"ALEX!"
"AY 4-year crush!" hala, yan tuloy lumabas na naman yung pagkamali-mali ko. Sino ba 'tong umistorbo sa pagdedaydream ko? Ah si 4-year crush lang pala eh- -
"D-david?"
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo jan?!" Nakakainis naman 'tong manhid na to, lagi nalang akong ginugulat.
"Sa puti mong 'yan sa tingin mo hindi ko aakalaing multo ka?!" singhal ko. Kunwari inis ako sa kanya pero sa totoo lang kinikilig na ko. Alam ninyo yung feeling na parang may tambol sa puso ko tapos parang kinikiliti yung tiyan ko? Tas ngayon feeling ko matutunaw na ko. Haaaay JD para ka talagang anghel. JD short for John David.
"Eto naman eh, mali-mali ka talaga. Ang cute cute mo." tapos pinisil niya yung pisngi ko "O sige kita nalang tayo sa headquarters mamaya ah. "
"O-ok." 1.2.3.10 minutes na kong nakatulala dito. Sinabihan niya ba kong cute? WAAAAAAAH. NAKAKAINIS! BAKIT NIYA KO SINABIHAN NG CUTE?! AYAN TULOY NAHUHULOG NA NAMAN AKO SA CHARMS NIYA! AISH MASYADONG PA-FALL.
Tinatry ko na ngang mag-move-on kaso siya naman 'tong papansin ng papansin. Tas eto namang puso ayaw makikinig kay Mr. Brain! Hindi porket close sila ni JD my loves eh pwede niya ng ietsepwera si Mr.brain. Napalingon naman ako sa garden. Kita mo toh, kanina pinapakilig ako tas ngayon may kalandian na naman. Actually, yung girlfriend niya pala yun.
HAAAAAY. ANO BA NAMAN KASING LABAN KO DUN SA GIRLFRIEND NIYA?! MAGANDA. MAPUTI. PALA-AYOS di tulad ko na kung pumasok ay parang nakipag-sabunutan sa sampung chimpanzee. SEXY di kagaya ko na parang wala ng bukas kung kumain pero sexy din naman ako. MATALINO, matalino din naman ako pero hindi kagaya nung IQ niya. MAY POISE hindi kagaya ko na kahit pang-zombie pa yung lakad ayos lang. KIKAY di tulad ko na ang damit eh pang-ukay-ukay. MAPORMA di gaya ko na kahit mukhang basahan yung suot eh oks na. AT MARAMI PANG IBA.
![](https://img.wattpad.com/cover/7806722-288-k67770.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit hindi mo ko gusto?
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal at umasa ng bonggang bongga? Yung kahit anong gawin mo tatanungin at tatanungin mo pa rin siya ng, "Bakit hindi mo ko gusto?"