'Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal, heto pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa 'yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka nang iba
Ba't baliw na baliw ako sa 'yo
Hanggang kailan ako magtitiis
O, bakit nga ba mahal kita
Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa 'yo'y 'di kailan man magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
'Di naghahangad ng ano mang kapalit'
~~~
Umiiyak si Kris ng marinig niya ang pag'Kanta ng Babae sa TV. Feel na Feel kase niya. Pareho sila ng pinagdadaanan. Nag-Pakasal siya kaagad kay Robin ng Maaga. At hindi siya handa sa mga Responsibilidad niya.
Mahal na Mahal niya ang asawa niya. Pero ang Asawa niya ang hindi siya mahal. Unexpected Marriage? O kahit ano man yun.
Sinabihan na siya ng mga magulang niya nuon na hindi maganda para sa kanya si Robin. Dahil alam ng pamilya ni Kris ay Loko ito nuon. Walang silang tiwala kay Robin pero matigas ang ulo ni Kris. Sumama pa rin siya kay Robin kahit alam niyang may Relasyon si Robin kay Mariel. (Peace po) Si Mariel ang Girlfriend ni Robin bago pa man sila ikasal.
Magda'Dalawang Taon na silang kasal ni Robin. Anim na buwan na siyang Buntis. Laging sa kanya umuuwi si Robin pero alam niyang May relasyon pa ito kay Mariel. Pero hindi na siya Mahal ni Robin. Lagi na niyang nahuhuli sila Mariel at Robin pero di niya pinapatulan. Martyr na kung martyr nga kapag nandun siya sa Bahay nila. Masakit man pero ayaw na niyang patulan. Baka din kase may mangyareng masama sa anak niya at sa kanya.
"Saan ka galing?! Gabi ka na naman ah" Kris
"Wala ka ng pakialam kung saan ako galing. Pagod ako wag mong paginitin ang ulo ko." Robin
"Hanggang kailan na lang ba tayong ganito?! Puro na lang away, sigawan wala na bang pwede ibang mangyare?! Ilang beses na kitang nahuhuli pero ano?! Wala akong ginagawa diba?! Wala Robin ni isang sampal wala!! Kahit na pinapagalitan ako nila Mama ng dahil nagpakasal ako sayo!" Kris
"Tumahimik ka! Nakakarindi yang boses mo!" Robin *Naiinis na*
"Kahit konti lang Robin! Kahit konti lang! Wala na bang natira jan sa Puso mo ng pagmamahal?! Kahit konti lang! Kahi hindi sa akin kahit sa anak mo lang!" Kris
"Hanggang kailan ko ba sasabihin sayo na Hindi kita mahal?!?!! At Hinding-Hindi kita kayang Mahalin!!! SI Mariel lang ang Mahal ko! Wala ng Iba!!! At kahit kelan hindi ko mamahalin yang batang dinadala mo!!!" Robin *Sigaw niya Kay Kris*
