Dahil nga sa balita na pinalabas sa tv at sa kinuwento ng tita ni Melody, nagalala ako bigla at baka may nangyaring masama sa kanya. Kaya dali-dali akong nag drive papunta sa bahay niya.
At eto, minalas ako.
"Putang Ina! Traffic!!!"
Hinahampas ko ang busina ng kotse ko. At, sa wakas! Umandar din.
Medyo malapit na ako kila Melody nang biglang may nag-overtake na ambulansya. Medyo kinabahan na ako. Kaya mas binilisan ko ang aking takbo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At nandito na nga ako sa bahay ni Melody. Medyo nagkakagulo at nandoon ang ambulansya. Papasok na sana ako sa loob kaso pinigilan ako ng pulis.
"Sir, pasensya na po. Bawal po pumasok, may crime scene." sabi ng pulis.
"Padaanin niyo ako!" pagpupumiglas ko.
Pinapasok ako ng pulis at sinamahan ako ng isa niyang kasamahan papunta sa kuwarto ni Melody. Laking gulat ko ng makita ko si Melody na naka-lambitin sa kisame. Hiwa ang leeg, tumutulo ang dugo sa kanyang maselang parte, at nakaputol ang dila. Biglang gumuho ang mundo ko at nanlumo ako. Dahil hindi ko kinaya ang nangyari, nawalan ako ng malay.
(Ano kaya ang susunod na mangyayari? Abangan.)
BINABASA MO ANG
Mountain Of Death
Terror© 2016 All Rights Reserved My first horror story. There are group of mountain hikers that will climb a mysterious mountain called Mt. Mortem. According to the residents near that area, that mountain is where a latin woman was killed and seeking for...