// 15. Carla Meets Richard

2.1K 37 3
                                    

Richard: Hatid kita mamaya. Pwede ba? Hindi kasi importante na may naghahatid na sayo. Ang importante yung naihatid kita.

Nareceive ni Cheche ang text. Gusto niyang pagbigyan na si Richard. Hindi dahil gusto niyang mapadikit dito, dahil para lang tumigil na kakarequest. Bumaba siya sa kotse kasama ang kambal.

"Kuya, mauna ka na. May bibilhin pa ako." Cheche says to the driver.

Umalis ang kotse. Nagkita na naman sila ni Richard. Hindi alam ni Cheche kung may makating dila sa ibang nakakausap ni Richard. Pero hindi niya masabi sa iba na 'wag sabihin na kasambahay siya. Baka iba ang isipin at lalong idaldal. Sa ngayon, niyaya siyang ihatid, sigurado siyang wala pang alam si Richard. Pumasok ang mga bata. Oras na para umalis. Nagkatinginan muna sila ni Richard.

"Oh, pano? Let's go?" Ngumiti lang si Cheche at sumunod kay Richard.

"Bakit ba kailangan mo pa akong ihatid?" tanong ni Cheche habang naglalakad sila.

"May sasabihin ako sa'yo."

"Ano naman?"

"Pwede ba kitang makausap ng personal?" Alam naman ni Richard na hindi pwedeng umalis ng matagal si Cheche. "Saglit lang. Promise, five minutes."

Nakarating sila sa motor. Nagdadalawang isip si Cheche. Ang akala niya ay ihahatid lang. Kaya medyo kinabahan siya. "Akala ko ihahatid mo lang ako?"

"Oo nga." Sumakay si Richard sa motor. Sinenyasan siya ni Richard. Bahala na. Basta kung ano 'yun, pumayag na si Cheche para matapos na. Hindi na niya ito kailangan pang yakapin. Sanay naman siya dahil may motor sa bahay ni Carla.

Nagpunta sila sa isang basketball court na may playground. "Usap muna tayo." sabi ni Richard.

Umupo sila. May ilan pang mga bata ang naglalaro. "Saglit lang ah." sabi ni Cheche. Tila kinakabahan.

"May gusto sana akong sabihin," Panimula ni Richard. "Alam kong baka tumanggi ka. Kasi obviously, hindi mo hanap. Kung gusto mo, dadalawin kita o ihahatid everyday. Bigyan mo ako ng chance na ligawan ka."

Hindi makasalita si Cheche. Lagi niyang katext o kachat si Richard. Nagpapalipad hangin madalas. Pinupuri siya, nababaitan at nagagandahan din. Lahat na sinabi sa kaniya ni Richard pero ang panliligaw na lang ang hindi. Gusto ni Cheche si Richard pero natatakot siyang masaktan, mag-assume at magfeeling mataas na uri. Pero hindi siya makatanggi dahil sinong tanga ang tatanggi kay Richard. Gwapo, mabait, hindi matapobre at suplado. Hindi matapobre pero hindi niya sure kung pag nalaman nitong kasambahay siya ay hindi mawalan ng gana sa kaniya. Masasaktan siya dahil unti unti itong lalayo. 'Yung hindi niya pwedeng pilitin dahil wala siyang magagawa kung ayaw na sa kanya nito.

"Pag-isipan ko." simpleng sagot niya. Malungkot ang itsura. Nanghihinayang.

Hinatid na siya ng tuluyan ni Richard. Sakto sa gate ay lumabas si Carla. Nakita sila. Nagulat si Cheche. Hindi alam ang gagawin dahil kailangan niyang kausapin si Carla. "Ate!" bati ni Cheche kay Carla.

Nakatingin si Carla kay Richard kaya hindi halata sa itsura niya na nagtaka siya kung bakit 'Ate' ang tawag sa kanita ni Cheche.

"Ate, hinatid ko lang si Cheche. Huwag kang mag-alala, hindi ako ang klase ng lalaki na iniisip mo. Hindi ko siya dadalhin kung saan." sabi ni Richard kay Carla. Bumaba si Cheche ng motor.

"Si-sige. Salamat sa paghatid mo." Tumingin si Carla kay Cheche habang sinasabi 'yun.

"Bye, Richard." paalam ni Cheche.

"Sige bye, kita na lang tayo uli bukas sa school." Tumingin siya kay Carla. "Ate, sige po. Aalis na ako." Umalis na si Richard.

Nang makalayo ito ay... "Kailan pa naging Ate ang tawag mo sa'kin?" tanong ni Carla.

"Sorry."

"Okay lang 'yun pero bakit nga nag-iba? May tinatago ka ba? Ang gwapo niya ah. Cute, super."

"Hindi niya alam na kasambahay ako." Kinurot ni Carla si Cheche sa bewang. "Aray Ma'am!"

"Anong Ma'am? Ate na lang. Ikaw ah. Sige, dahil sa gwapo siya, okay lang. Basta, 'wag kang iiyak sa harap ko pag niloko ka lang niya ah."

"Hindi ko siya boyfriend. Nanliligaw lang pero wala akong planong sagutin. Baka malaman niya na kasambahay ako, aayaw 'yun."

"Malamang... Tutulungan kita." Ngumiti si Carla.

"Salamat Ma'am."

"Ate!"

"Salamat, Ate."

"Nanliligaw ba? Padalawin mo dito bukas, ipagluluto ko siya. Sagot kita huwag kang mag-alala. Bawal kang magboyfriend, pero pag siya, pwede na 'yan. 'Di na sist?"

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon