"Sana may switch
din ang pamamahal
para kapag pagod
at nasasaktan ka na
patayin mo lang wala na""Musta pre mukhang may panibagong admirer ka na naman dito sa school ha at classmate pa natin tsk tsk iba talaga ang kamandag ng gwapo!"-narinig kong nag-uusap sina Justin at Louie kaya agad akong nagtago papasok na sana ako sa room ng makita ko sila
"Oo nga e at alam mo ba ini-stalk pa daw yung account ko sa facebook,twitter at instagram langya kinikilabutan ako pre"-inis na sabi ni Justin mas lalo tuloy akong nagka-interes sa pinag-uusapan nila
"Hahaha ano ba kasing mayroon sayo at ang daming nahuhumaling? balita ko pa nagpaparamdam na sayo ha??"
"Sinabi mo pa naiinis nga ko sa tuwing lalapit sakin yung Camille ba??anong apelyido nun??"-bigla akong nakaramdam ng ka ba??ano bang nangyayari sakin??di naman siguro ikaw yung Camille na kinaiinisan niya sabihin na nating gusto mo siya pero dalawa naman kayong Camille sa room malay mo yun talaga yun
"Camille Santos!!"-para akong pinag bagsakan ng lupa sa narinig ko so ako nga ako ang kinaiinisan niya
"Oo iyun alam mo bang na-block ko na yun sa fb pero di pa rin sumuko at gumawa ng panibagong account kaya ang ginawa ko nag-deactivate ako para di niya na ma-stalk yung fb ko bwisit talaga yun pare"-dun na tumulo yung luha ko kaya naman pala wala ng lumalabas kapag sini-search ko yung name niya nag effort pa kong gumamit ng ibang account para lang malaman kung na-block na naman ako pero wala na talaga akong makita yun naman pala ang dahilan
"Hahaha nakakatawa ka pre para kang bading yung babaeng yun kinatatakutan mo hayss"
"Ako takot??di no sadyang naaasiwa lang ako sa pagmumukha nung stalker na yun desperada"-tuluyan na kong napuno lumabas na ko sa pinagtataguan ko at alam kong nagulat silang makita ako pero wala na kong pakialam hinarap ko silang dalawa
"It's so easy for the two of you to judge.Why do'nt you look at yourselves??Are you that perfect to say those words to me??You know what Im so disappointed akala ko pa naman you're a good person pero pisikal lang pala ang maganda sayo okay from now on wala ng mang-istalk sayo and dont you worry di na rin kita lalapitan.Thank you sa lahat ng sinabi mo nagising ako sa katotohanan na mali ako ng taong hinangaan"-yun ang mga sinabi ko bago ko sila iniwanan dumiretso na ko sa room
"Camille dito ka tabi tayo!!"-tawag sakin ni Alvin pagkapasok na pagkapasok ko
"Ano ka ba di tatabi sayo yan dun yan uupo sa likod ng mahal niyang si Justin kaw talaga di ka pa nasanay!"-sigaw ni Rachelle nginitian ko lang sila at umupo sa tabi ni Alvin napanganga naman silang dalawa
"Hey!Ano ba??Isara niyo nga yan"-inis na sabi ko nasanay kasi silang dun ako umuupo sa kung saan malapit si Justin pero ayoko na habulin ang mga ganung tao
"Anyare??bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin"-di ko na pinansin si Rachelle kinuha ko na lang ang cellphone ko at nakinig sa music nakita naman ng gilid ng aking mata ang pagdaan nila Justin,nakatingin pa sila sa side ko di ko na lang sila pinansin kinakalabit pa ko ni Alvin pero dinedma ko lang
Dumating naman yung teacher at pagkatapos ng ilang nakakaboring na klase uwian na kinuha ko na yung bag ko at handa na sa pag-alis
"Hatid na kita sa inyo Camille"-aya ni Alvin inakbayan pa ko tinanguan ko na lang siya at palabas na sana kami ng pintuan ng..