"Minsan yung inaakala
mong maayos na
hindi pa pala"
After 2 yearsLumipas ang dalawang taon at going strong pa rin ang relationship namin ni Justin yung feeling na araw-araw pasweet siya ng pasweet ang sarap lang sa pakiramdam na may taong nagmamahal at nag-aalala sayo..
Papunta na ko sa may gym may practice kasi sila Justin ng basketball kailan lang naman siya sumali e last year at dahil sa pagsali niya mas dumami ang mga nagkakagusto sa kaniya at dumami rin ang karibal ko everytime nga na papasok ako ang sama ng mga tingin ng mga babae sakin di ko na lang pinansin kasi yun ang sabi ni Justin hahaha masunurin yata to.
Narating ko na ang gym at sila Justin at Louie na lang ang natira dun mukhang kagagaling lang nila sa matinding practice tamang tama may dala akong pagkain babatiin ko na sana sila ng biglang..
"Oh ayan na bayad ko sayo talo na naman ako bwisit"-sabi ni Louie tsaka inabot kay Justin ang pera
"Ano to??"-nagtatakang sabi ni Justin habang nagpupunas ng pawis
"Tsk nakalimutan mo na ba??"-gaya ng dati kong ginagawa nagtago ako at nakinig sa usapan nila
"Ang alin??"
"Ano ka ba??di ba pinagpustahan natin si Camille ang usapan pa nga natin nun e kapag napasagot mo siya at naging kayo ng matagal magbabayad ako sayo kapag naman ako ang nanalo ililibre mo ko ng lunch for 1 month!!Ano naaalala mo na??"-naibagsak ko ang dala ko agad naman silang napalingon sa direksyon ko
"Ca-camille??"-gulat na sabi ni Justin at akmang lalapit sakin
"No!Do'nt you dare!"-sigaw ko napatigil naman siya
"Let me explain please!"-pag mamakaawa pa niya
"Pare iwan ko muna kayo I think kailangan niyong mag-usap"-paalam ni Louie tsaka umalis
"So all this years pagpapanggap lang ang ginawa mo???Pano mo nagawa sakin to akala ko pa naman totoong mahal mo talaga ko at talagang nagawa niyo pa kong pag pustahan ng kaibigan mo ganun ba kawalang kwenta para sayo ang mararamdaman ko ha?? di mo man lang inisip na masasaktan ako ang sama sama mo!"-di ko na napigilan napaiyak na lang ako sa sobrang sakit
"No!di ganun yun pagpaliwanagin mo muna ko please mag-usap tayo ng mahinahon"
"di lahat ng bagay pinaglalaruan lalong lalo na kung puso ito ng isang taong lubos na nagmamahal sayo!Pagod na ko Justin!"-yun lang at nilisan ko na siya sinubukan pa niya kong habulin pero sumakay na ko pauwi wala na kong pakialam kung mag-cut man ako ng klase gusto ko munang makapag-isip ngayon..
Pagdating ko sa bahay agad akong pumunta sa kwarto ko at dun ko tinawagan si Alvin at pinapunta ko siya rito may klase pa siya pero alam kong pupunta yun dahil alam niyang may problema ako..
Di nga ako nagkamali dumating siya agad ko siyang niyakap at umiyak ako sa dibdib niya hinagod niya naman ang likod ko...
"Niloko niya ko Best"-bestfriend na ang turingan naming dalawa kaya ganun na ang tawag ko sa kaniya
"sige ilabas mo lang lahat"
"pinagpustahan nila ako pinag
laruan nila ang damdamin ko ang sakit ang sakit sakit""panong nangyari yun e kitang kita ko naman sa mata niya na mahal ka niyang talaga"-humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at umupo ako sa kama