"Sorry the feeling is not mutual."
Iyan ang sagot mo sa akin, matapos kong magconfess sayo. Paksheyt! Ang sakit sa dibdib. Through text pa lang yan, huh. E pano pa kaya kung sa personal? Paksheyt times two. Parang nadurog ang puso ko sa text message mong 'yan. Pero kahit ganun, di pa rin ako susuko. Ipapakita ko at papatunayan ko sayo na hindi ito isang trip lang. Na totoong mahal kita.
Kinabukasan, pagpasok ko ng room natin, ikaw agad ang nakita ko. Napatingin ka nga rin sa akin e, ay hindi sulyap lang pala, kasi umiwas ka din agad. Miski ba pagtingin lang sa akin, ayaw mo din?
Ayon, ganun pa din pakikitungo mo sa akin. Na parang hindi ako nagconfess sayo kagabi, at parang hindi mo ako nireplay-an ng "Sorry, the feeling is not mutual." We're like invisible with each other. Two years na tayong magkaklase, since nagtransfer ka dito sa school. Kaclose mo na nga lahat ng classmate natin, pero bakit ako hindi pa din? Sana before tayo grumaduate ng highschool, close na tayo.
Kahit yun na lang graduation gift mo sa akin. Masayang masaya na ako kung mangyayari yun. Kaya sana talaga.
"Hoy tulala ka na naman!" sigaw ni Amae sa may tainga ko. Kilala mo ba sya? Sya lang kasi ang hindi mo ka-close among girls. Bakit? Dahil ba bestfriend ko sya? Kaya ayaw mo din sa kanya.
Hindi ko pinansin si Amae, nakatulala pa din ako sa picture mo. Stolen shot ito nung JS prom natin nung junior pa tayo. Ang ganda ganda mo nga dito e. Yung mga ngiti mo totoong totoo.
"Sya na naman," bulong ni Amae na may kasama pang buntong hininga. Dismayado ata sya. "Bakit ba magpapakatanga ka sa kanya?" tanong nya sa akin.
"Hindi ako nagpapakatanga, nagmamahal lang." sagot ko sa kanya.
"tss. Lint*k na pagmamahal yan. Why did you still continue loving her? Ni hindi nya nga maappreciate yung mga effort mo. She doesn't deserve a man like you." hysterical na litanya ni Amae.
"Hayaan mo na nga ako, dito ako masaya." kalmado 'kong sagot sa kanya.
"Ano ba kasing nagustuhan mo sa kanya? Hindi na nga maganda, hindi rin maganda ang ugali. Ang bobo mo talaga. Magmamahal ka na nga lang sa tulad pa nya." ang sakit nya magsalita 'no?
"Sobra ka naman, Amae. Okay lang na ako yung laitin mo, wag lang ang mahal ko." O' 'di ba ang bait ko? Ipinagtanggol pa kita. Kasi nga mahal kita.
"Ewan ko sayo! Sana mauntog ka nang matauhan ka naman." Sagot nya sa akin at iniwan na ako.
Nasa cafeteria ako ngayon, recess kasi natin. Ikaw naman nandun sa isang table malapit sa may bintana, kasama ang tropa mo. Nagtatawanan kayo, sobrang saya nyo. E ako? Nagiisa na nga, malungkot pa.
Nagulat ako nang mapatingin ka sa may table ko. At ang mas nakakagulat pa ay nang ngitian mo ako at kinawayan pa. Totoo ba 'to? Hindi ko napigilan ang ngumiti ng malawak. Kakawayan na din sana kita pero...
"Rupert!" tawag mo sa isang lalaki. Sheyt! Sya pala yung nginitian at kinawayan mo. Tae! Bakit kasi ako umasang gagawin mo yun sa akin? Napabuntong hininga na lang ako.
Nakakadismaya, sobra. Akala ko ako na e, pero hindi pala. End of the world na ata mangyayaring ngitian at kawayan mo ako."Assumero kasi," sabay lapag ni Amae ng tray nya sa table ko.
"Salamat huh! Ang laki ng naitulong mo para pagaanin ang loob ko," sarkasiko kong sabi.
"Your welcome, Mr. Pascual," nakangiti pang sagot nya sa akin.
Hindi ko na sya sinagot, kinain ko na lamang ang sandwitch na binili ko. Maya maya muli na naman akong mapatinging sa table nyo, pero wala na kayo dun.
BINABASA MO ANG
Onesided Love
Teen FictionIf it's not meant for you, you will never have it. You can pursue more, strive tirelessly, do all of your best, but if it's not for you, you will end up into nothing.