✔11:11(one shot)

101 3 0
                                    

Sabi nila kapag pumatak ang oras na 11:11, kailangan magwish ka at magkatotoo daw iyon. Kaya ito ako ngayon, naghihintay sa tapat ng wall clock kong cute. Importante kasi sa akin ang “11:11”.

Ano ba iyan, 10:15 PM palang. Ang tagal naman ng oras.” Sabi ko sa sarili ko, kaso naisip ko Good Things comes to those who wait, kaya gagamitin ko ang best talent ko. Mag hintay. Kasi nga, Patience is a virtue. Well, kung aki tatanungin, waiting is a talent.

Sumandal ako sa upuan ko at hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. “Michelle!” rinig kong sigaw sa akin, pagkamulat ko ng mata ko, napansin kong mukha pala ni Mama ang nasa harapan ko, “Ma?!” gulat kong nasabi sa kaniya, napatayo ako dahil naalala ko ang pakay ko kung bakit ako naupo sa upuan. Tumingin ako sa orasan at nakita ko ang oras, “12 o’clock” bulong ko sa sarili ko.

Napansin ni Mama na malungkot ako, “Mich, hinihiling mo pa din ba?” napaupo ako sa kama, “Oo. Opo Ma, dahil gusto ko ulit siyang makita at makasama.” Sagot ko sa kaniya, pero hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Michelle, hayaan mo. Babalik din siya” ngiting sagot ni Mama sa akin, habang hinahagod ang likod ko.

KINABUKASAN SA SCHOOL:

Hello Michay! Bakit ang lugmok ng mukha mo?” bati sa akin ni Joy, classmate-slash-bestfriend ko. Buntong hininga lamang ang nasagot ko sa kaniya.

Umupo siya sa harapan ko, “11:11 na naman ba chay?” tinignan ko lang siya. Oo, oras lang yung 11:11 pero special yun sa akin at doon nagumpisa ang lahat.

FLASHBACK:

Huwag kang mag-alala. Babalik ako. Kailangan ko lang talaga umalis, magpapakita lang ako at aayusin yung iniwan ni Papa. Alam mo naman iyon. pero, ipangako mo lang na sa oras na 11:11 ka magwiwish. Ang cliché ko ba? Ang bading ba ng dating?” tawa niyang sabi sa akin, ngumiti lamang ako.

“Huwag kang mag-alala kapag tumapat ang 11:11 sa oras at sa petsa. Andito na ako. okay Michay ko?” ngumiti ako, “ Tandaan mo, dito sa parke na ito.”

PRESENT:
Hindi ko pa rin maintindihan yung sinabi niya na kapag ang oras na 11:11 ay pumatak sa oras at sa petsa, ay andito na siya. Hay, medyo slow pa naman ako pagdating sa logic. Aalis nalang nga siya, may pahabol pang logic. Hay buhay! Pero, mamaya, mamaya ulit. Hindi na ako makakatulog, hihintayin ko na mag-11:11.

“Good Morning class!” rinig kong bati ni Ma’am Lopez ng pumasok siya sa classroom, “Please, take one whole yellow paper at may quiz tayo. Long quiz, for sure akong hindi niyo nakalimutan mag-aral dahil sinabihan ko kayo kahapon.” Dagdag pa niya.

Hay! Oo nga pala, may long quiz pala kami sa Algebra. Nakalimutan ko na dahil sa kakaisip at kakahintay sa 11:11 na iyan. Malas talaga, bahala na nga. Baka, simple lang naman ang quiz namin.

Kumuha na ako ng yellow paper sa bag ko at nagumpisahan ng magsulat ng pangalan, saglit, ano bang date na pala?

Liz, anong date na pala? Kasi baka mamaya, sabihin na naman ni Ma’am, nag absent na naman ako. dahil walang date, alam mo naman yun. Requirement sa lahat ng pinag-gagaga niya sa atin” tanong ko sa seatmate ko. “Ah” tinignan niya ang kaniyang wristwatch, “11/11.” Kampante niyang sagot sa akin, “O kung gusto mo, November 11.” Tapos tumawa siya

A, okay. Salamat” sagot ko sa kaniya, sinulat ko na ang date. Maya-maya pa at binigay na samin ang questionnaire at nagumpisa na ang time para sa long quiz.

Natapos ang buong araw ko sa school na ang ginawa naming ay: long quiz, may nagpa surprise recitation pa, dagdagan pa ng games. Nakakapagod, pero excited akong hintayin ulit ang oras na 11:11.

Pagka-uwi ko sa bahay, nakita kong nanunuod ng TV si Mama, kinamusta niya din ang araw ko sa school. Sadyang “okay” at ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya. Nasabi din niyang may handa ng ulam sa kusina, Adobo. Parehas pa naming paboritong ulam.

Habang kumakain ako sa harap ng TV. Naalala ko na naman siya. Tumingin ako sa oras, 7’oclock na. Ganun na ba ako katagal kumain? O sadyang mabilis lang ang oras ngayon? Sabi ko so sarili ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kusina, hinugasan ang plato at nilagay ko na sa lagayan na katabi lamang ang pitchel.

Pumunta ako sa C.R. at nagtoothbrush, naghilamos na ako ng mukha at nakapagpalit na din ng pangtulog. Nakita ko pa ang design ng pangtulog ko, stars. “childish” bulong ko sa sarili ko.

Pumunta na ako sa kwarto at binuksan ang laptop. Hinintay ko pa mag connect sa internet bago ako makapag log-in sa sarili kong website, sa FB at sa Twitter. Nang nakapag-log-in na ako, nag tingin tingin lang ako ng mga updates naka post sa wall ko hanggang sa nahagilap ko sa tingin ang status mula sa taong iyon;

JM posted a status 30 minutes ago

“11:11. Hope she still remembers”

Tinignan ko ang oras, 11:00PM na, Nagulat pa ako dahil sa ang bilis ng oras ngayong araw na ito. Nang may naalala ako, “Michay, 11:11 pagka natapat ang oras at petsa. Darating ako” Napasigaw pa ako sa naalala ko ngayon, lumabas ako ng kwarto at hinanap sa tingin si Mama.

“Ma?Ma!” sigaw ko mula sa kwarto, lumabas ito galing CR, “O, bakit?” tanong naman iya habang inaayos ang buhok niya. “Anong date ngayon? Nalaman ko na ang gusto niyang iparating. Alam ko na, hindi oras Ma! Kundi yung petsa mismo. Anong date na?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya

Okay. November 11 Mich, bakit?” sagot ni Mama habang tinitignan niya nag kalendaryo na nasa salas.

Sabi ko na nga ba. Ngayon! Ngayon siya dadating Ma!” sagot ko sa kaniya habang tinitignan ko ang oras, 11:05 na, may 6 minutes pa ako. kinuha ko ang jacket at sinuot ko, patakbo na ako sa labas ng sabihin ni Mama ang mga katagang kinakatakutan ko, “Mich, paano kung hindi ngayon? Hindi pala Nov.11 ng year na ‘to? Paano na? paano ka?” worried niyang tanong.

Humarap ako kay Mama, “Ma, paano ko malalaman kung hindi ako pupunta? Paano ko malalaman kung hindi ko ita-try?” hinawakan ko ang doorknob at binuksan ang pintuan, “Ma, kahit ano pang taon siya dadating, walang masama kung ita-try ko ngayon.” Mangiyak-ngiyak kong sagot. Nagbuntong hininga na lamang ako para mapigilan ang umiyak atsaka ako umalis ng bahay.

11:09PM nang makita ko sa wristwatch ko ang oras. Patakbo na akong papunta sa park, kung nasan siya. Kung saan niya ako pinangakuan, “Wait lang JM. Malapit na ako.” bulong ko sa sarili ko, patuloy pa rin akong tumatakbo hanggang sa makarating na ako ng park.

11:20PM
“JM!” sigaw ko sa park, alam ko walang tao, dilim lang ang sumasagot sa akin ng katahimikan. Pero, pero kailangan ko isyang makita. Alam kong tutuparin niya ang pangako niya. I know it. I know JM. Ilang minuto na ang nakakalipas, umiling ako, “Hindi. Na-traffic lang siguro yun. O kaya, o kaya naliligo. Hindi pwedeng kalimutan niya.” Bulong ko sa sarili ko, “JM, andito na ako o.” dagdag ko pa.

12:00MN yan ang oras na pinapakita ng wristwatch ko sa akin. “Wala na ba talaga?” sigaw ko sa park, “Hays! JM!” buntong hininga ko na lamang, nang maramdaman kong tila umuulan na, nilagay ko ang hood ng jacket ko. “JM, asan ka na ba?” habang niyayakap ko ang sarili ko, hindi ko namalayang 12:10 na. sadyang mabilis pala talaga ang oras lalo na kung naghihintay ka sa kawalan.

Nang napansin kong parang hindi na ako nauulanan, tumingin ako ng bahagya sa taas, nakita kong may payong na nagtatalukbong sa akin.

“Huwag. Huwag ka muna humarap sa akin. Sorry Michelle, I’m sorry Michelle, alam kong 11:11 ang sabi ko, pero, pero naisip ko Michelle, kahit anong date o oras man iyan, babalik ako. Michelle, nakabalik na ako o. I’m sorry na-late ako. I’m so-“pinutol ko ang sasabihin niya dahilan sa niyakap ko siya, niyakap ko siya ng mahigpit. “JM! I miss you! Sobra JM!” sabi ko sa sakaniya.

Nalaglag pa ang payong na hawak niya, naramdaman ko niyakap din niya ako ng mahigpit. “Michay ko.” Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko, “Andito na ako” sabi niya ulit sa akin, ngumiti ako, humiwalay sa pagkakayakap  niya at hinalikan siya sa pisnge, “Welcome Back JM ko.” Ngiti kong sabi sa kaniya, sinuklian niya lamang ako ng halik sa labi ko, ramdam kong nakangiti siya. Welcome Back JM ko.

THE END.

✔11:11❤ (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon