"Tadhana, Daan upang matunton ang landas ng tunay na Pag-ibig"
Naniniwala kaba sa tadhana, ako hindi ko matiyak dahil hanggang ngayon hindi ko parin nararamdaman ang tunay na pag ibig. Pero sa kwentong ito they experience the true love.
May dalawang college student, ang lalaki ay nakatira sa Baguio at ang babae naman ay sa Manila. Pareho silang may magandang buhay, parehong maykaya ang kanilang mga magulang.
The guy name is Aaron at si girl naman ay si Angel.
And they started in 1 new message. Nang napansin ni Aaron ang kanyang cp, nang kanya itong binuksan ito ang kanyang nabasa.
"143 P. Martirez Pateros Metro Manila. Sulatan mo ako at ipadala mo sa address na iyan, kung gusto mong malaman kung sino ako. Huwag mo ng tangkain magreply dahil hindi rin naman kita rereplyan. Angel"
"Ang weird hah, meron pa palang mga sira ulo ngayon na nagpapadala ng ganung txtmsg" batid ni Aaron sa sarili.
ibababa na sana nya ang cp nya ng may matanggap syang panibangong text.
"Patawarin mo ako dahil hindi ako naging tapat sayo, umiibig ako sa iba, marami panamang babaeng maskarapat dapat sayo, iyon ngalang hindi ako yun. Buntis nako at ikakasal na. Salamat sa pag-ibig na ibinigay mo saakin. Bea"
Pagkatapos na pagkatapos nyang basahin ang text pumasok sa loob ng kwarto si Aaron at sa paglabas nya dala-dala na nya ang kanyang maleta at nagmadali syang lumuwas papuntang Manila.
Sa Manila tumira siya sa isang bording house. Sinubukan rin niyang sulatan ang babaeng nagtext sakanyang na si Angel. At ito ang sinabi niya:
"I really don't know kung bakit ko pinatulan yung text mo, may mapapala ba ko sayo? Hindi kita kaano-ano, malay ko ba kung kilala mo rin ako at nagbibiro ka lang sakin, pinagastos mo pa ko para sumulat. Lumuwas ako ng Manila para malimutan si Bea. Siya ang pinakamamahal ko na babae, iyon ngalang magpapakasal na sya. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Dito ko nalang ata ipagpapatuloy ang pag-aaral ko, sa JRU ako mag-aaral. Pasensya na maaaring sumulat ako sayo dahil gusto ko lang mailabas ang mabibigat na saloobin ko. Aaron"