Part 1

13.5K 240 4
                                    

Kagagaling ko sa isang party, kabubukas lang kasi ng bar ng isa sa aking mga college friends, actually ex ko siya, si Xander.

It was 3 am ng mapagpasyahan ko nang umuwi, agad kong hinagilap ang lalaking kasama kong pumunta dito, na malamang sa hindi ay may chinuchurva na naman sa sulok sulok.

I left the dance floor and started typing messages for him.

Joseph
Where the hell are you? Uwi na tayo.

Ano ba? Wala akong dalang sasakyan remember?

Iitlugan kitang hayop ka e. Uuwi na 'ko bahala ka jan. Pakisabi na lang sa tropa mo. I was referring to Xander by the way.

I waited for his reply but nothing came, so I decided to head home by myself.

'Hayop na lalaki, siya 'yung nag-ayang magpunta punta dito tapos 'di naman ako iuuwi. Paker talaga'  I muttered to myself.

Nakakaisang kanto na 'ko nang may marinig akong kakaiba-

"Fuck tama na!" Sigaw nang isang pamilyar na boses. Syet si Joseph ba 'yon?

Agad kong sinundan ang pinagmulan ng ingay na sinundan pa ng malalakas na ungol.

At tama nga ang hinala ko, ang bestfriend ko, nakahiga sa isang aspalto duguan siya at halos wala ng malay.

"Tama na!"Hiyaw ko, sisipain na naman kasi siya ng isang lalaking hindi ko naman kilala.

"Fuck, Lindsey! Umalis ka na!" Sigaw niya sa 'kin, pero wala hindi ako makagalaw, naestatwa ako dahil sa pagkakatitig ng lalaking nanakit sa bestfriend ko.

"Lindsey!  Takbo na-"

"Shut the fuck up!" Parang nayayamot na sabi nung lalaki sabay sipa sa tagiliran ni Joseph.

"'Wag tama na! Tama na please!" Sigaw ko ulit sabay lapit sa bestfriend kong halos hindi na makadilat, he was saying something pero I can't barely hear him.

"So girlfriend ka na ng gunggong na 'yan?" Hindi ako umimik.

"Tang ina kinakausap kita!" Sigaw niya sabay hila sa buhok ko na dahilan upang mapatingala ako at makita ang mukha niya.

"H-hindi! Bestfriend  ko siya! Please...tigilan mo na kami." Pagmamakaawa ko. He just smirked and let go of my hair.

Maya maya pa, "Boss Kyle, anong plano natin-oy chika babes!" May sumulpot na lalaki sa likuran niya, na katulad niya ay gwapo din-este gago din, may dala dala siyang body bag?!

"B-boss! K-kuya please! 'Wag niyong gawin 'to sa kaibigan ko! I would do anything but please....don't kill him! Please!" Hiyaw ko.

"Anything?" Bakas ang pagkamangha sa boses niya, agad naman akong tumango bilang sagot.

"Be mine and I'll spare your fucking bestfriend's life." May diin sa bawat salitang binitawan niya.

"O-okay." Sagot ko, agad niyang hinila ang braso ko at itinayo, minadali niya 'kong pumasok sa isang kotseng itim na hindi ko man lang napansin kanina naroon pala.

Naiwan pa siya sa labas para may sabihin sa lalaking kasama niya. Maya maya'y pumasok na rin ito sa kotse't nagmaneho.

"S-saan dadalhin ng kasama mo s-si Joseph?" Tanong ko.

"Sa ospital." Maikling sagot niya.

"Eh saan mo ko dadalhin?" Tanong ko muli.

"Just shut the fuck up!"  Angil niya.

'Tang ina ka pala e. Nagtatanong lang napakasungit mo. Pakyu!' Bulong ko. He glanced at me at the mirror like he heard it all. Uh-oh.

Impregnated by the Devil's Son [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon