Chapter 3

62 19 23
                                    

~Christian's POV~

            Hay salamat naman at ok na ang lahat. Wala na akong poproblemahin.

            Dahil sa pag-unlad ng technology ng mundo, sumabay na rin ang school namin sa advancement ng mga eskwelahan. Isa ang school namin sa iilang eskwelahan dito sa Pilipinas na nag-incorporate na rin ng tablet bilang gamit sa eskwela. Less baggage, less paper, less ink, plus save mother earth. Everything's on the school website. Student accounts, book, quizzes and the likes. Kaya may internet access sa buong school. Iba na talaga ang nagagawa ng technology.

            "Mr. Christian Guevara, lumilipad nanaman 'yang utak mo. Will you please listen to my lectures even just for a day? You never did that to my class. Now I'm really starting to wonder kung paano ka nakakapasa sa subject ko, kung paano ka nakakakuha ng matataas na scores sa quizzes na ibinibigay ko. Sinabihan na kami ng parents niyo na 'wag kayong bigyan ng special treatment kahit anak kayo ng may-ari ng academy, so can you please listen to my lecture?" galit na sabi ni Mrs. Aquino, Filipino teacher namin. Hindi ko din alam kung bakit pero wala talaga ako sa mood makinig sa kanya. Ang boring ng lessons niya. Hindi talaga kaya ng utak kong makinig kasi inaantok lang ako kaya pinipili ko nalang tumahimik at mag-isip ng mga bagay-bagay.

            Tama nga siguro ang sinabi niya na anak ako ng may-ari ng academy na 'to, well isa sa mga anak ng mga may-ari ng academy since it's owned by different families. I'm entering G-technology Academy. G dahil as mentioned earlier, hindi lang family namin may-ari ng academy. It is owned by Guevara, Guillermo, Gutierrez at Go.

            Not to brag, but manliligaw ko 'yung isang anak ng Gutierrez family. Maganda naman siya pero hindi ko maintindihan kung bakit patay na patay siya sa akin eh to the point na siya pa talaga nanliligaw sa akin kahit babae siya. She's pretty pero 'di ko siya gusto.  Siguro dahil na rin sa rasong 'yung isa sa mga anak ng Guillermo ang gusto ko. Hindi ko nga lang kayang aminin sa kanya na gusto ko siya since parang 'yung isa sa mga anak ng mga Go ang gusto niya at obviously, gusto din naman siya nung Go. Ay! Ang gulo!

            "With all due respect, nananahimik lang naman ako. Hindi ko naman po ginugulo ang klase mo. Hindi din naman po ako humihingi ng special treatment sayo. Tell me when did I tell you to give me special treatment? When Mrs. Aquino?" hindi naman siya makasagot kasi hindi naman kasi talaga ako humingi ng special treatment.

            May konting kagaguhan din naman ako, 'di ako anghel at umaandar 'yung kapilyohan ko lagi dito kay Mrs. Aquino. Lagi kasi akong pinakeke-alaman kahit nananahimik lang ako, nakakaasar. 'Yung feeling na nagmumuni-muni ka at nananahimik tapos biglang may gugulo dahil lang sa hindi maipaliwanag na rason. Hinintay ko siyang sumagot pero wala, hindi siya sumagot.

            "See? You can't even talk. Kasi hindi naman talaga ako humingi sayo ng special treatment. Ang gusto ko lang naman kasi 'wag mo akong pakeke-alaman. Mind your own business and I'll mind my own. Nananahimik lang naman ako diba? I'm not making noise para hindi ka maistorbo pero bakit mo parin ako piakekealaman? I respect your class, but why can't you respect my silence? Kahit once lang Mrs. Aquino." at huminga ako ng malalim para tumigil na ako bago pa ako may maling masabi. Teacher parin siya, at estudyante ako. "Tss... you're destroying my day." Asar kasi. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nalang lagi niyang nakikita. Lagi akong may special lecture.

             Pagkatapos nun ay kinuha ko na 'yung bag ko at tumayo. Aalis nalang ako. Last class naman na namin 'to. 5:00 pm naman na and 5:30 tapos na 'yung klase.

            "Mr. Christian Troy Guevara, wala ka na ba talagang natitirang respeto sa katawan mo?" at ayun nagalit nanaman siya. "Where do you think you're going?" bahala siya sa buhay niya, tinawag niya akong Troy. Hindi lang ako lalayas sigurado, aalis na si Tracy mamaya. Foul 'yun para sakanya. It's ain't allowed, kumbaga parang parte na 'yun ng handbook. Alam 'yun ng lahat ng teachers at students kasi ipalagay ba naman ni Tracy 'yung sa announcement board for a month? Who wouldn't be informed?

The Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon