~Christian's POV~
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin at hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ni Caila 'yun. Alam naman niya na magkakagalit sila 'pag ginawa niya ang bagay na 'yun at nangyari na nga. And because of that, the G's are divided into two group. 1st group: Guillermo and Go, 2nd group: Guevara and Gutierrez. Somehow, it's fine with me if si Tracy ang kasama ko, pero hindi.
Hindi ko naman maiwasang maasar sa mga ganitong moments kaya nasabi ko sa sarili ko, 'Fate naman kasi, masyado mo kaming pinaglalaruan. Itigil mo naman na. Malapit na kasi akong mamate sa laro mo. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari sa loob lang ng isang araw.'
Mababaliw ata ako kung hindi ako papatawarin ni Tracy, pero sana 'wag naman. At sana rin hindi ako mabaliw dahil kasama ko 'tong si Caila. Hay nako naman kasi, bakit ganito? Galit sa akin si Tracy at kasama ko pa si Caila, although I hope to enjoy her company.
"Uy Chris, ano bang iniisip mo diyan? Si Candice nanaman? Well tinanong ko pa alam ko naman na ang sagot. Chris, sorry na." sabi niya at 'yung pagkamalambing na isip bata niya ay lumalabas nanaman. "Hindi ko talaga 'yun sinasadya at kung pwede lang, 'wag mo naman muna siya isipin oh. Kahit ngayon lang, please? Ako ang kasama mo ngayon oh."
Hindi ako sumagot nu'n pero tinignan ko siya na parang nireremind siya about what happened earlier at sinasabing 'Bakit ba ikaw ang kasama ko ngayon?'
"Ok, I know. Fine, pero kahit ngayon lang naman isipin mo na lagi akong nandito para sayo. Isipin mo naman na nandito ako, sinasamahan ka ngayong magkagalit kayo ni Candice."
"Bakit ba kami magkagalit ni Tracy?" tanong ko na medyo may pagka-cold dahil medyo naiinis lang ako sa tono ng boses niya na parang sinusumbat niya sa akin ang presence niya ngayong wala si Tracy.
At naintindihan niya naman siguro 'yung point ko kasi biglang bumaba ang energy niya pero the tone is still there. "Yes, I know dahil sa akin, kasi gumawa ako ng something na foul na para kay Candice. I said I'm sorry diba?"
"Iyon naman pala. Kung hindi mo 'yun ginawa, odi sana hindi ikaw ang kasama ko ngayon. Odi sana si Tracy ang kasama ko ngayon." naiinis kong sabi sa kanya kasi parang sa tono talaga ng boses niya, ako pa ang may kasalanan sa kanya.
"Kaya nga sorry diba? Please naman enjoyin mo naman 'yung presence ko, kahit ngayon lang. Kahit minsan lang, Chris." at ayun naawa ako sa kanya.
Nanduon parin ang tono ng boses niya na para bang ako pa ang mali pero by the way she looks, well I always see her like this, sad and desperate of attention, naaawa ako sa kanya. Hindi naman dahil hindi ko siya binibigyan ng sobrang atensyon ay binabalewala ko na siya. Ayaw ko lang siyang bigyan ng rason para mas lalong umasa sa isang bagay na alam kong hindi ko kayang ibigay.
"Ok sige. Gagawin ko 'yun ngayon, but promise me that after this, you'll not bother yourself too much about me anymore. Give yourself some time and tama na paghahabol Cai, alam kong napapagod ka na rin. This, this is just for today, ok?"
"Thank you!" at bumalik ang saya sa mukha niya. "You'll not regret it. I'm telling you, you are not going to regret giving me the chance to spend a few minutes or hours with you. So saan tayo?"
"Ikaw bahala. This is your day and susunod lang ako sa'yo ngayon."
"Ok!" at nakita kong ang saya-saya niya. Ganito pala 'tong babaeng 'to 'pag natutuwa, mas nagmumukhang baliw. Napatawa nalang ako. "O, ba't ka tumatawa diyan? Tara, sa cafeteria nalang tayo."
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling
JugendliteraturChristian Troy Guevara, one of the most popular guy is school. He has a childhood best friend and her name is Candice Tracy Guillermo. She's gorgeous, the most gorgeous girl in school. He saw her last when they were still on second year high scho...