~Christian's POV~
Dalawang subject na ang lumipas at wala paring kahit anong pumasok sa utak ko. Tanging ang mga salita parin ni Tracy ang paulit-ulit na umikot sa utak ko.
Oras na ng meryenda kaya kinuha na ng mga kaklase ko ang mga gamit nila at nagsimulang maglakad palabas ng room. Sa totoo lang ay wala akong ganang kumain. Paano nga ba naman kasi ako magkakaganang kumain sa ganitong sitwasyon?
Kahit na walang gana ay marahan akong tumayo at kinuha na rin ang gamit ko. Papaalis sa sana ako agad, kaso bago ako makalabas ng pinto ay mapansin kong nasa loob pa si Tracy at papalabas palang. Agad akong tumigil at hinintay siyang makalabas. Kailangan ko siyang kausapin.
Alam kong nakita niya ako dahil nga nginitian pa niya ako bago niya ako tuluyang daanan at hindi huminto. Pero pagkatapos ng ilang hakbang ay huminto siya kaya naman huinga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob para lapitan at kausapin siya.
Pagkalabas ko ay muli nanamang nagunaw ang mundo ko. Buong pag-aakala ko ay huminto siya dahil hinihintay niya ako, hindi pala. Never assume unless stated, ika nga nila. Huminto pala siya dahil naghihintay sa kanya si Clyde sa labas.
Sa sobrang sakit ay hindi ko magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Dahil duon ay nasaksihan at narinig ko ang pag-uusap nila. Pag-uusap na sana'y hindi ko nalamang alam.
"Hi, daddy." bati ni Tracy sa kanya na para bang ang laruang unggoy na hawak niya ang nagsasalita. Itinaas pa niya ito at inihalik sa pisngi ni Clyde.
Tumawa silang dalawa at nagtitigan hanggang sa humupa ang tawa nila. Nang humupa ang tawanan nila ay ibinaba niya ang laruang unggoy at niyakap. Mukha naman siyang masaya. Masaya kahit wala ako. Masakit, pero masaya naman siya.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya kay Clyde ng hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya.
"Hindi naman. Sabay lang naman ang break natin. Siguro nauna lang akong lumabas sayo ng konti." at nagpacute si Clyde at pinaliit ang mga mata niya. "Akin na gamit mo." pag-aalok ni Clyde pero tinanggihan iyon ni Tracy.
Inipit ni Tracy ang matangos na ilang ni Go at tumawa. "Sinabi ko naman sayo, hindi naman kita sinagot para magkaroon lang ako ng tagabitbit."
Napahawak si Go ng ilang saglit sa namumula niyang ilong. "Sigurado ka?"
"Opo. Magaan lang naman. Tara, sa caf ulit tayo. Ice cream? Please?" malambing at pumupungay ang mata niyang hiling kay Go.
Agad namang pinadaan ang mga palad niya siya mukha ni Tracy para tanggalin ang pagpapacute na expression nito. "Hindi mo na kelangan magplease at lalong hindi mo na kelangan magpacute. Kung yun ang gusto mo, then your wish is my command. Tara sa caf."
Inakbayan niya si Tracy at nagsimula na nga silang maglakad palayo. Tinitigan ko lang ang mga likod nila hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Nang wala na sila ay duon ko lamang naramdamang muli ang katawan ko at nakagalaw.
Sige na, ako na ang nagseselos. Pero mahal nga ata talaga niya si Clyde at wala na akong magagawa.
~Candice's POV~
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling
Подростковая литератураChristian Troy Guevara, one of the most popular guy is school. He has a childhood best friend and her name is Candice Tracy Guillermo. She's gorgeous, the most gorgeous girl in school. He saw her last when they were still on second year high scho...