Penpai

20 3 4
                                    

Happy birthday Penpai! I hope you'll like this poem that I made for you. Napiga utak ko habang ginagawa ko ito.

Penpai

Penpai, si Nanapai ito

'Yung bruhang bespren mo?

Ito pala regalo ko.

생일축하해 pala sa 'yo.

"What you need to find is someone who never will let you go..."

Naalala mo pa itong kantang ito? Ito 'yung kantang na-lss tayo.

Lagi natin itong inaawit tuwing nasa 'tambayan' tayo

Napapakamot na lang sa ulo kapag 'di naalala ang kasunod na liriko.

Lagi ko namang sinasabi sa iyo

Na mahal kita at walang pero-pero.

Isa ka sa mga taong mahalaga sa akin,

Direct to the heart kung tutuusin.

Hindi mo alam kung gaano ako kasaya

Na nakilala kita at naging matalik na kaibigan pa.

Sana tumagal pa ang ating pagsamahan

At 'di katulad ng magkasintahan na magiisang buwan pa lang.

Naakakatuwa kasi naranasan ko ang mga bagay kasama ka,

Katulad na lang ng pagfangirl nung 2015 MAMA.

Ang saya nung araw na iyon...

Napagalitan nga lang ako ng aking ina dahil doon.

Naiinis naman ako dahil sa katangkaran mo

Peste ka! Porket maliit lang ako ng konti sa 'yo?

Parang awa mo na itigil mo na pangaasar sa akin ng ganoon.

TANDAAN MO, mas matanda pa ako sa 'yo ng dalawang taon!

Ngayong kaarawan mo...

Nadagdagan nanaman ng taon ang buhay mo.

Alam mo naman na nandito lang ako...

Pramis! Magiging walang kwenta itong tula ko kapag pinutol ko ang pangako ko. 

Pasensya nga pala sa mga kasalanang nagawa ko sa 'yo

Kung nasaktan ka man, pinaiyak, o pinatampo

Pasensya ka na, hindi ko naman sinasadya ang mga iyon

Pantay lang tayo! Ginawa mo rin sa akin 'yan noon!

Marami na tayong pinagdaanan

Sana huwag mong kalimutan ang ating mga pinagsamahan.

Bwiset ka na lang kapag iniwan mo ako

Tignan mo. Kapag bumalik ka, sapak at pagmamahal ang makukuha mo.

Penpai, alagaan mo ang sarili mo

Baka kasi dumating 'yung panahon na wala ako sa tabi mo.

Ipagpatuloy mo lang ang relasyon mo sa Diyos

Dahil Siya lang ang kayang gawin kang maayos.

Happy birthday sa 'yo Penpai.

Mahal na mahal kita at huwag nang malumbay.

Maging masaya ka sa araw ng pagkapanganak mo

Dahil isa 'yan magandang regalo galing sa Diyos na bumuhay sa iyo.

HAEPPI BERTHDEI PENPAI!!!

                                       Nanapai

                                       03/30/2016


PenpaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon