Prologue

29 0 0
                                    

Bakit kaya ang hirap abutin ng isang lalaking kagaya mo? Isang katanungan na di ko masagot sagot sa sarili ko. Bakit nga ba? Bakit napaka-imposibleng maabot ang kagaya mo? Isang kagaya ni Knight Drei Mendoza, Oo tama ang nabasa nyo. knight Drei Mendoza ang pangalan nya. Hindi sya artista, hindi rin sya model o kung ano pa man. Sikat sya sa school bilang pagiging anak ng may-ari ng school at pagiging leader ng pinakasikat na gang-Ang Black Shadow. Halata namang Gangster di ba?

Anak ng may ari ng school at Leader ng Gang, Ano pang hahanapin mo?
Dakdak ako ng dakdak di nyo man lang alam kung ano pangalan ko. Anyway, I'm Luciana Abbie Andrada, pero pwede nyo akong tawaging Luci, 16 years old, Nasa Highschool pa ako na dapat ay graduating na, kung di lang ako bumagsak sa mga tests. Ang hihirap naman kase. Napakahirap at napakaimposibleng makapasa, katulad na lang ng pag-asa ko kay Knight. Alam nyo yung pakiramdam na nagiintay ka sa kanya ng halos tatlong taon? Oo tatlong taon, Matagal ba masyado? Umaasa na mapansin ka man lang nya kahit isang beses.

"Hoy! Babaeng nagiimagine nanaman kay Knight! Bumaba ka na rito, kakain na." Sabi ni kuya Joaquin. Yan ang kuya ko, maingay, pala-away pero mabait at alagang alaga ako. Member din sya ng Black Shadow, Oh di ba instant tulong ang meron ako pag nagkataon. "Sandali lang kuya, pababa na. Magbibihis lang ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Panaginip Na Lang Ba Kita? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon