Jeff's POV
Hi! Jeff Adrian Gomez here. 16 years old a former grade 9 student in Villanueva University. Former kasi summer ngayon at magsstart na ang pasukan in 2 weeks. Yes I know I'm too old to be a grade 9 student kasi ang kadalasang edad ng mga grade 9 students any 14-15 years old.
Nandito ako ngayon sa mall to buy a new smart phone pero hindi para sakin kundi para kay Suzzy. Sana magustuhan niya tong phone na binili ko. Almost two years na akong nanliligaw sa kanya pero hindi parin siya nagsasabi kung may pag-asa ba ako sa kanya o wala.
"Uhm. Miss magkano nga ba ulit lahat?" Tanong ko sa Babae
"P36,899 po lahat sir" Aniya
Binayaran ko ang phone gamit yung credit card ko. Nang nakuha ko na ang phone ay pumunta agad ako sa Starbucks dahil dun kami magkikita ni Suzzy. Hindi niya alam na ibibigay ko na yung phone na hiningi niya. Oo, hiningan niya ako ng phone. Ang tanga ko diba? De bale na. Mahal ko eh. Bahala na. On my way papuntang Starbucks ay nagring bigla yung phone ko.
Calling...
Suzzy
Accept>>>>>>•<<<<<<Decline
"Hello Suzzy?"
"Hey Jeff! Sorry, hindi ako makakapunta. May family date daw kami ngayon. I'm so sorry. Next time nalang"- Suzzy
"Ah? Ehh. Okay la--" pinutol niya ako
"Thank yoouuuuu! Sige byyyeeeee!"- Suzzy
Haaay. Family date nanaman 'daw'. Ilang beses nang nangyari to sakin. Magkikita daw kami tapos hindi faw siya makakapunta kasi busy, family date, outing, etc. Pero ayun. May ka-date lang pala na ibang lalaki. "Ang tanga mo Jeff!" Paulit-ulit na sigaw ng isip ko pero hindi naman tumitigil ang puso ko sa pagsisilbi kay Suzzy. Forever na siguro akong ganito. Haaay. Buhay parang life. Huehue 😭
***
Suzzy's POV
Hi there! Suzzy Jane Ramirez 15 yrs old. I know you hate me. I don't care. Hindi ko naman kasalanan kung bakit nagkagusto si Jeff sakin eh. Kasalanan ko ba kung maganda ako? Sorry naman kung habulin ako ng lalaki. Nga pala, yung Jeff nayun? Friend lang talaga ang tingin ko sa kanya kahit ang gwapo at ang talino niya pa. Hindi kasi siya yung bet kong lalaki eh. I like masculine guys at hindi naman siya ganon. Medjo chubby kasi siya ng konti as in konti lang. Ayaw ko rin sa kanya kasi hindi siya magaling sa pananamit. Wag kayong mag-alala kasi naaappreciate ko naman yung efforts niya, sadyang di ko lang talaga siya feel maging boyfriend.
Nandito ako ngayon sa Vikings waiting for Laurence. He's my crush for two years. I like him because he's handsome, magaling manamit, mayaman, funny, at sikat din siya sa University na pinag-aaralan namin kasi isa siyang varsity player ng basketball team sa school. Actually, marami talagang babae ang nagkakagusto sa kanya. Manigas sila sa inggit dahil nagkakamabutihan na kami ni Laurence at sa tingin ko ay gusto niya ako. Myehehe *evi grin*
Nadistorbo ang thoughts ko nang biglang may tumakip ng aking mga mata galing sa likod ko. Well, sanay na ako at alam kong si Laurence to.
"I know it's you Laurence" Sabi ko habang pilit inaalis yung mga kamay niya.
"Hi Suzzy, sorry kung pinaghintay kita ah? Medjo traffic kasi eh." Ani niya nang inalis niya yung mga kamay niya at umupo.
"It's fine. Sa'n ka nagpark ng sasakyan? Eh mukhang wala na kasing space eh." Oo, may car siya. He's already 18 na kasi at may lisensya na sya. Too old? Nope, mas bata lang ako ng one year sa kanya and he's now in grade 11.
"May nakita pa naman akong space.. So, may order ka na ba?" Aniya
Nag-order na kami at after few minutes ay dumating na yung order namin. Nagkwentuhan naman kami habang kumakain.
"So, anong meron? Ba't tayo nandito? Is this a date?" Tanong ko sa kanya. Naku, sana sabihin niya na nay may feelings din siya para sakin para hindi na ako hula nang hula. Nagpromise din ako sa sarili ko na kapag liligawan na ako ni Laurence ay patitigilin ko na si Jeff sa panliligaw niya sakin. Si Laurence naman kasi talaga ang gusto ko eh.
"Well, may gusto lang sana akong sabihin sayo" Aniya
Naku po juskoooo. Sana sabihin niyang mahal niya na akkkoooo. Hahaha
"I..
I-i
"I like you"
------------------------------------
End of Chapter 1Hi there readers! Sorry kung walang prologue. It's my first time to write a story. Mehehe. Mag-u-update ako in two days 😊
BINABASA MO ANG
Selfless Love
Teen FictionIsang lalaking pinapangarap ng lahat ng babae sa balat ng lupa. A man of knowledge, faith, efforts, patience, love, selflessness, respect, and discipline. Maibibigay niya kaya ang lahat ng efforts niya sa karapatdapat na babae? We'll see.