Lian's POV
17 years old s'ya, ako naman ay 18. Mahal ko s'ya, pero hindi ko alam kung gan'on din ba s'ya sa'kin.
"Ate!"
Kinabahan na naman ako nang makita kong nag pop-up 'yung chathead ni Chad sa screen ng phone ko."Hi, bby girl. :)"
He calls me ate, and I call him 'bby girl'. Mukha kasi s'yang babae sa sobrang cute, at dahil matanda ako ng 1 year sa kanya, 'bby' na rin kaya bby girl."Musta ka na ate? Kakawi ko lang po galing school. :* Nag meryenda ka na?" Sunod-sunod na tanong n'ya sa'kin.
Hindi pa man ako nakakapag-type ng reply ay nagchat na s'ya ulit.
"Send ka naman ng pic mo, ate. Please? :(" Paawang sabi n'ya.
Hindi ko na nasagot 'yung una n'yang tanong at sa halip, ay sinend-an ko na lang ng selfie ko."Kakagling ko lang din ng school kaya naka-uniform. Haha. Bihis lang ako. :* " Sabi ko at nagpalit muna ng damit.
"Ang ganda talaga ng ate ko.❤ Kaya crush na crush kita eh."
Nagwala na naman ng nagwala ang puso ko sa sinabi n'yang 'yun.
Masakyan nga."Mas crush kita, bby." Simpleng sabi ko.
Ayokong ma-reject o kung ano man kaya..."Hahahahahaha. Joke lang."
Agad ko nang binawi 'yung sinabi ko. Mahirap na, baka hanggang "ate" lang naman talaga 'ko sa kanya.
"Ay! :( Binawi pa. Haha. Hayyss" Sabi n'ya.
Hindi ko maamin sa kanya pero, the more na tumatagal na magkakilala at magkausap kami through facebook, ay lalong nad-develop 'yung nararamdaman ko sa kanya.
Well, wala naman daw s'yang girlfriend. Nililigawan meron; ako naman, may manliligaw rin. Si Josiah.Isang araw, nalaman ko na may iba palang nilalandi si Josiah.
"Hi, ate." Sabi ni Chad, umaga ng sabado.
"Tsss. Oh?" Sabi ko.
Alam kong wala s'yang kasalanan pero mahirap kasing iba-ibahin yung emotions. So ang ending, damay lahat ng tao.":( Galit ka ba sa'kin Lian? Bakit? Huh? Sorry na. :(" Agad naman akong nakunsens'ya sa sinabi ko sa kanya.
"Uh, sorry. Badtrip lang kasi ako. :(" Sabi ko.
Agad naman s'yang nagreply."Bakit, ate? May umaway sa'yo? Sino 'yan? Sabihin mo!" Sabi n'ya.
Napangiti naman ako sa pagiging concern n'ya."Hayy. Si Josh kasi eh. Leche, nakita ko na may kalandian s'ya kanina sa mall. Hinayaan ko na lang sila n'ung higad."
"Loko 'yun ah! Taga-sa'n ba 'yan?! -_-" Sabi pa n'ya.
"Wala, hayaan mo na. Naka move-on na 'ko, agad-agad. Haha."
Totoong naka move-on na aad ako kay Josh, hindi naman kasi talaga s'ya 'yung gusto ko eh."Hayaan mo na 'yun ate, nandito naman ako eh. ;)"
Nagwala na naman ng mabilis na mabilis 'yung puso ko.Iba na 'to, tinamaan na talaga 'ko. Tsss.
Isang araw, naisipan kong magtapat sa kanya sa pamamagitan ng "prank message-kuno".
"Uhmm. May aaminin sana 'ko sa'yo, pero wag mo 'kong tatawanan ah? Ganito kasi 'yan, matagal na 'kong may gusto sa'yo. Hindi lang ako sure kung kailan ako aamin. Pero don't worry, pipigilan ko 'tong nararamdaman ko para sa friendship natin. Ayokong masira 'yun eh. Basta, mahal kita. Yun na yun."
Kinakabahan ako sa pagt-type ng prank message-kuno na 'yun. Syempre, hihintayin ko muna 'yung reaksyon nya, bago ko bawiin. Ayokong masaktan.
BINABASA MO ANG
Ate Zoned [One-Shot]
Teen FictionZayn, Nial, Liam, Louis and Harry are just on tour in Manhattan one Wendsday in Summer but after their tour strange things start happening to them. at the end of the night they are attack by a monster and they flee their tour bus. They eventually fi...