LETTER #2

1 0 0
                                    

Hello Ex,
           Masakit pa rin alam mo yun, yung parang kahit anong gawin mo. Nagiging masaya naman ako eh, sa tulong ng mga kaibigan ko. Hindi ko rin lubos maisip na sa ganoo'ng bagay lang hiniwalayan kita. Gago rin ako noh? Napalaking gago. Pero, ginawa ko lang naman yun para sa kanila eh, ayoko maging selfish sa kanila, sila yung una kong nakasama keysa sayo, pero alam mo kahit sa maikling relasyon natin nakilala kita, makilala pa sana kita nang lubusan kung hindi kita hiniwalayan. Sabi nila  bakit daw hindi pa ako nakamove on na ako nga raw ang nakipaghiwalay sa'yo? Pero hindi naman ibig sabihin na ako ang nakipaghiwalay ako rin ang makakamove-on agad. Mahal kita, at alam mo yun. Siguro hindi mo rin nadama ang pag-ibig ko sa'yo dahil sino nga bang tanga ang maniniwala sa isang pag-ibig na walang kaeffort-effort, yun ako di ba? Oo ako yun, hindi maeffort. At, sorry kung hindi ako ganun .

HELLO EX Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon