Hello Ex,
Marami pa sana akong ikukwento sa'yo, marami pa sana tayong plano. Marami pa tayong dapat ikwento na sikreto diba? Pero wala na eh, tinapos ko. Alam mo kahit sinsabi ko sa'yo noon na hindi ako naniniwala sa kasal o tunay na pag-ibig, nagaasam pa rin ako na ikaw na yung makakatuluyan ko pero hindi. Nasa isip ko na, na ikaw yung lalaking maghihintay sa akin sa harap ng altar, yung lalaking tatanggap sa akin ng buong puso. Alam ko naman na hindi ka ganyan na klase na lalaki eh, ayaw mo'ng magsasalita ka nang tapos, yung klase nang lalaki na bibitaw agad nang mga salita. Kaya nga hindi ko sinasabi sa'yo na may naiimagine na ako nang ganyan, dahil baka magalit ka sakin at bata pa ta'yo. Alam mo, na sa'yo na ang lahat eh, yung klase nang lalaki na hinahanap ko yung caring, loving at syempre may respeto. Alam mo ang rami na sanang plano na naiisip ko pero naudlot ang lahat nang yun.