Hello Ex,
Pangako na napako. Marami tayo'ng pinangako sa isa't isa. Pero sa lahat nang pinangako natin, isa lang talaga ang isinaisip ko, at yun ay yung hindi tayo maghihiwalay. Alalang-alala ko pa na sinabi ko sa'yo na huwag mo akong iwan at huwag mo ko'ng hihiwalayan, sinabi ko pa nga na kahit ano'ng rami ng away natin hindi tayo bibitaw, hindi tayo maghihiwalay, kung ano ang ipinangako ko, yun rin ang ipinangako mo sa akin. Sinubukan ko ri'ng magtext sa'yo noon nang isang mahabang text yung punong-puno ng pagmamahal pero hindi ka naman nagreply nang ganun, nagreply ka lang ng tanong kung totoo ba yung sinabi ko. Alam mo yung nagaantay rin ako nang mahabang text na puno rin ng pagmamahal pero wala pa. Pero na iintindihan ko naman eh, na ang ikaw yung klase ng lalaki na hindi mahilig sa ganyan yung mahiyain kaya inintindi kita. Pero alam mo, gusto ko parin tuparin yung pangako ko, yung pangakong hindi kita iiwan. At hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako sa panaho'ng magkabalikan tayo.