LETTER #6

1 0 0
                                    

Hello Ex,
            Naalala ko pa yung una, magfling pa lang tayo noon. Hindi ko naman alam eh, na seseryosohin mo'ko at hindi ko rin inaasahan na magsesryeso rin tong puso ko. Hanggang sa umabot sa punto na natapos yung fling-fling natin. Ako ang tumapos, dahil din yun sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko, yung sabi nila na ang landi ko na daw, kaya syempre nataman ang pride ko kaya tinapos ko yung namamagitan sa atin. Nung una parang wala lang ako, tapos ikaw, ilang araw nang absent sa klase natin, ang sigla ko pa nung una hanggang umabot sa punto na narealize ko na mahal na talaga kita, at ang sakit pala. At sa panahon na yun ko nakikita na masaya ka na, pero hindi ko natiis na hindi ko pala kaya, kaya kinonfront kita, nagsorry ako the day after your birthday, hindi ko makakalimutan yung araw na yun . Ang saya mo pa nga noon, hindi ko rin ineexpect na tatanungin mo akong maging girlfriend mo, at sa panahong iyon isa lang ang alam ko gusto ulit kitang makasama kaya, naging tayo DECEMBER 14 . Ang sarap sa pakiramdam, ang saya hindi ko masabi dahil kahit noong una maraming problema, gumaan ang lahat dahil lang sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HELLO EX Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon