Chapter FOURTEEN: Memories

4 1 0
                                    


Chapter FOURTEEN: Memories



Pagkatapos ng walang kaamor-amor na pagkain ng alien/angel..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BUMALIK NA NAMAN KAMI SA ILALIM NG TULAY!

"Oy may pasok pa tayo di ba?!" sigaw ko kay Bambam na nagagawa pa talagang manalamin sa tubig.."Bambam nakikinig ka ba sakin?!"

"Oo nakikinig ako!" sagot niya sabay ayos ng tayo.."Grabeh, di ko na talaga alam kung pano' ko pa makokontrol ang cuteness ko?? tsk.tsk. malala na toh'.."

"Okay wala siyang kwentang kausap.." bulong ko sa sarili't napabuntong hininga na lamang ako.

Napalingon ako sa direksyon ni Fuma, naghahanap talaga siya ng mabuti..

MASYADO NAMAN ATA SIYANG MARTIR?!!

"Fuma!" tawag ko sakanya't agad naman siyang lumingon.."Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo ngayon.."

"Oo naman.." nakangiting sagot niya sabay kindat sakin.."Alam kong hindi mo ko pababayaan di ba?"

"Masyado ka naman atang kampanteng palagi na lang akong nandyan sa tabi mo.." sagot ko sabay irap sakanya.."May sarili rin akong buhay noh?!!"

FEELING CLOSE TALAGA TOH?!!

"Wag kang mag-alala, kapag natapos ko na ang sampung misyon ko.. Hindi mo na ko kailangan problemahin pa.." sagot niya sabay lakad sa unahang parte ng ilog.

Biglang lumapit sakin si Bambam sabay akbay sa kanang balikat ko..

"Ayoko sanang mag-isip in advance pero..ngayon pa lang, mamimiss ko na talaga si Fuma.." malungkot na sambit ni Bambam.

"Ako rin.." mahinang sagot ko't bigla niya akong hinampas ng malakas.."ARAY KO!! Bakit ba?!!"

"Narinig ko yun! Sabi mo.."AKO RIN"..ayyiiieeehh! May feelings!" pang-aasar niya't tinitigan ko lang siya ng masama.

"Tumigil ka nga! Talo mo pa ang bata sa preschool kung mang-asar?!" sumbat ko.."Maghanap na nga lang tayo bago pa kita lunurin sa ilog na toh?!"

"WOW AH?!! As if naman malulunod ako sa ganito kababaw na tubig?!" bulalas niya sabay hawak sa baba ko.."Teka??.."

"Bitawan mo nga ko?!" inis na sambit ko.

"Mark.. hindi mo ba nakikita ang sarili mo ngayon?!!"

"MALAMANG HINDI.."

"Namumula mukha mo..HALA! Nagbablush ka kay Fuma?!!"

"SIRA!!"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
After four hours..

"AYOKO NA!" sigaw ko sabay lakad palabas ng ilog.."SUKO NA TALAGA KO!"

Napansin ko na napatitig lang sakin si Fuma..

BAHALA SIYA! Mabibitak na ang ulo ko sa sobrang init!

"Baby ko.." matamlay na sambit ni Bambam kay Fuma.."Wala na rin talaga kong energy para maghanap pa.."

Napatitig na lamang saming dalawa si Fuma't napabuntong hininga..

"Naiintindihan ko.." parang lumungkot ang mukha niya.

"Fuma.. misyon mo ba sina mama't papa?" seryosong tanong ko't tumango na lamang siya. KAYA PALA, ganun na lamang siya kapursigido maghanap ng susi.."Ah--ano ba talaga ang misyon mo kina mama?"

"Ang maibalik ang matamis nilang samahan.." nakangiting sagot ni Fuma't natigilan na lamang ako.

"WOAAAHH! Ang sarap pakinggan nun ah?!" bulalas ni Bambam sabay tapik sakin.."Para rin naman pala toh sayo eh?! Maghanap ulit tayo!"

Lumapit ako kay Fuma't tinignan siya ng diretso sa mga mata..

"Sa palagay mo ba ganun-ganun lang kadali maibabalik ang lahat ah?!!"

"MARK!" sigaw ni Bambam na pumagitna samin ni Fuma.."Ang mabuti pa maghalo-halo na lang tayo para LUMAMIG NA YANG MGA ULO NIYO!"

"Ako nga mismong anak hirap silang ayusin eh?! Ikaw pa kaya na isang-- KUNG ANO KA MAN?!!" sigaw ko sabay lakad palayo.

Nang biglang..

*BEEP! BEEP!*

Napalingon kaming lahat sa itaas ng tulay..

"Kotse ni dad!" gulat na bulalas ko.

Napalunok na lamang ako nang nakita ko siyang bumaba ng kotse. Dahan-dahan siyang dumungaw samin, napakasama ng mga tingin niya sakin..

Maya-maya pa'y akmang aalis na siya..

"HINTAYIN NIYO PO KAMI SIR!" biglang sigaw ni Fuma.

"Ano bang ginagawa mo Fuma?!!" bulalas ko pero di niya ko pinansin.

Mabilis siyang umakyat ng mahabang hagdan papuntang tulay at agad naman namin siyang sinundan ni Bambam.. ANO BA TALAGANG PINAPLANO NG ISANG TOH?!!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang makapanhik na kami ng tulay..

Di pa rin nagbabago ang masamang mga titig ni papa..

"Sabihin mo na ang sasabihin mo iha.." seryosong sambit ni papa kay Fuma.

FUMA027Where stories live. Discover now