Chapter Six

679 20 0
                                    

(Bianca's POV)

Pa-log out na ko nang may nakita akong notif. May nag friend request sakin at agad naman akong na-excite.

"Miguel Tanfelix wants to be your friend." Bigla akong napatulala. Di ko alam mararamdaman ko. Kung kikiligin ba ko, kakabahan dahil never naman kaming nag usap. Napatalon nalang ako nang makita ko iyon.

"Bianx?" Biglang pumasok si mama sa kwarto ko. Medyo napalakas ata talon ko. "Ah.. Yes ma?" Tanong ko. "Okay ka lang ba? Ba't ang lakas ng kalampag dito kanina?" Tanong niya habang kinakamot ang mata. Halatang napagising ito sa lakas ng kalampag ng pag talon ko. "Ah wala po, ma. Tulog nalang po ulit kayo." Sabi ko. "Oh sige matulog ka na rin kasi maaga ka pa bukas. Love you, 'nak!" "Love you too po, ma." At sinara niya na ang pinto.

Tinignan ko ulit phone ko. Baka kasi imagination ko lang yun. Pero totoo! Nag friend request talaga siya! Jusko po. Iaaccept ko ba? Mag iinarte pa ba ko?

*ring ring*

Nagulat ako nang biglang nag ring phone ko. Si bes. Sinagot ko agad dahil ikwekwento ko sakanya 'tong nangyari! Jusko lord.

"Bes? Hi bes!!" Sigaw ko. "Oh bes, ba't ka naman parang masaya jan? Ano? Nanalo na ba kayo sa lotto?" Sabi niyang pabiro. "Higit pa dun bes! Nag friend request sakin si Miguel bes!" Sabi ko habang kinikilig. "Ha?! Omg omg! Oh ano? Inaccept mo ba?!" Sabi niya na halatang masaya siya para sakin. "Hindi pa nga eh, tumawag ka kasi!" Sabi kong pabiro. "Ay ganern, hiya naman ako ah." Sabi niya. "Hahah joke lang bes. Pero seryoso, SUPER happy ko talaga! Biruin mo, isang super yaman at sikat na lalaki na crush ko pa, finriend request ako? Grabe talaga parang dream come true!!" Sabi ko na naeexcite. "Wow bes ah, finriend request ka lang nung tao uy. Sabihin mo yan pag kayo na noh!" Sabi niya. "Labo nun bes." Sabi ko naman. "Ay bes wag kang nega. Malay mo naman!" Nag kwentuhan lang kami ng kwentuhan.

"Oh siya sige bes bye na! Pinapatulog na ko ni mommy. Kita tayo bukas ah! Tsaka iaccept mo na yung friend request ah!" Reminder niya. "Ok bes, kita bukas. Bye!"

Muntik ko na makalimutan sa sobrang excite at kilig ko!

*accept*

~~~~

First Love, Last Love❤️ (BiGuel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon