Jale's wedding day.
Nakatayo na si Melody sa may gilid ng altar katabi ng pianist.
For her, torture ang gagawin nyang ito, pero wala syang choice, alang alang sa Kuya nya gagawin nya ito, lalo pa't ito na lang ang pamilya nya.
Naglalakad na si Jale papunta sa harap ng altar, kasama nya si Wave, ito kasi ang best man nya.
"dude.."
Pilit na ngumiti na lang si Jale sa kaibigan. Nakarating sila sa altar, nakayuko lang sya, pero ramdam nya ang lakas ng tibok ng puso nya lalo na ng makita nya si Melody.
"Melody.." lalakad sana papunta sa kinaroroonan ni Melody pero pingilan sya ni Wave.
"no" hawak nito ang balikat nya.
Walang nagawa si Jale, hanggang sa mag umpisang tumugtog ang piano, isa isa ng naglalakad ang mga abay..
Ramdam nya ang lungkot sa boses ni Melody since nagsisimula na itong umawit.
Nakayuko si Jale, sumasakit ang puso nyang isipin na ikakasal na sya sa babaeng hindi naman nya mahal. Kung may magagawa lang sana sya, pumasok na sa isip nya na hilahin nya si Melody palabas ng simbahan at tumakas. Pero naisip nya, na kahit hilahin nya ito, hindi parin mangyayari ang gusto nya na makasal silang dalawa dahil kasal na nga pala ito.
Tuloy tuloy pa rin sa pag kanta si Melody, kahit halos manakit na ang lalamunan nya dahil sa pagpipigil sa kanyang pag iyak. Nagsisi sya kung bakit nya pinakawalan si Jan, ang tanging lalaki na minahal nya. Gusto na nyang tumakbo palabas ng simbahan pero natatakot naman sya sa kapalit niyon at yun ay ang kompanya ng Kuya nya. Pumikit na lang siya habang kumakanta, hindi nya kayang makita ang mukha ni Jan na naghihirap din ang kalooban.
"psh. this two.." sabi ni Wave ng naiiling at napangiti.
Narinig ni Jale ang sinabing iyon ni Wave kaya napaangat ang tingin nya, at nakita nya sila Blue at Lara na nakangiti habang naglalakad sa aisle.
Pumasok tuloy sa isip nya pano kung hanggang ngayon babaero pa rin sya at hindi sya na inlove sa idol nya, baka kahit ipakasal sya ng magulang nya sa kahit sinong babae ok lang, baka hindi sya nasasaktan katulad ngayon.
Malapit na sa kanya ang bride nya, maganda naman ang bride nya kahit nakatakip pa ito ng belo, sexy din ito kitang kita ang kurba sa damit na suot nito. Napansin nya ang katabi nyang si Wave na titig na titig sa bride nyang naglalakad, napailing na lang sya dito.
Naagaw ang pansin nya sa isang babaeng tumakbo palabas ng simbahan..
"Melody..." tatakbo na sana sya ng biglang mapansin nyang hinarang ito nila Lara at Blue.
Naguguluhan na talaga sya, lalo pa't sinalubong na ni Wave ang bride nya.
"anong..."
Nilapitan sya ng magulang nya, then his mother hug him and say..
"son, sorry kung pinahirapan pa namen ang kalooban mo.."
after his mother, his father hug him too then say.
"tsk. kung hindi ka lang tumakas sa engagement party mo Lenard, the both of you will not suffer this..."
Nalilito at naguguluhan na lalo si Jale.
Umiiyak na si Melody ng tumakbo siya palabas ng simbahan hindi na kinaya ng puso nya ang sakit, lalo pa nung nakita na nyang malapit na ang bride, naisip nyang wala na talaga silang pag asa, kaya ayaw man nyang gawin, binitiwan nya ang mic at tumakbo.
Pero nagulat sya ng may humarang sa kanya.
"stop being a crying lady, girl" sabi ni Lara.
"Lara..."
BINABASA MO ANG
THEIR LOVE STORY [short story]
Short StoryLove story nila Jale at Blue - barkada ni Wave sa LUCKY NUMBER.