Pag-ibig nga ba ito? cahpter 1

45 0 0
                                    

Isang dapit hapon sa bayan ng Dapitan sa may tabing dagat. Nagpapahinga ang magkaklaseng sina Cynthia, Stephanie, Roxanne at Melanie sda lilim ng malagong punong Talisay.

“Hay salamat at nakaalis rin tayo sa Jeep ang sakit na ng puwet ko” reklamo ni Roxanne.

“Sa haba ba naman ng biyahe natin kaninong puwet ba ang hindi sasakit?” sang-ayon ni Steph.

“Maliban na lang kung bakal ang puwet natin” dagdag pa ni Melanie at nagtawanan ang magkaklase.

“siyanga pala Steph asan ba ang bastfriend mo?” tanong ni Cynthia hinahanap si Christina.

“Si Christina? Nandoon sa kwarto natin nagpapahiga” sagot ni Steph.

“Sana sumabay na lang siya sa atin ditoi. Sariwa pa ang hangin” wika ni Cynthia.

“At maganda pa ang tanawin. Ang ganda ng papalubog na araw” dagdag ni Roxanne sa sinabi bi Cynthia.

“Hayaan niyo na si Christina alam niyo naming nahihilo iyon sa biyahe bumabawi lang iyon ng lakas” wika ni Melanie.

“Buti na lang at hindi tayo nahihilo sa biyahe kung hindi eh hindi natin makikita ang magandang tanawin dito” dagdag pa ni Melanie.

          Habang nag-uusap ang magkaklase di nila namalayan ang mga pang papalapit sa kanilang kinaroroonan. Mga pang ingat na ingat na di makagawa ng ingay. Ng biglang may humawak sa bewang ni Roxane. Napatili si Roxanne at nagulat ang iba pa.

“Ay! Butiki ka nahulog patay” ang nasabi ni Roxanne sa sobrang gulat paglingon niya nakita niya ang nakatawang si Ivan.

“Hayop ka talaga Ivan. Papatayin mo ba ako sa nerbyos?” singhal ng dalaga at pinagsasampal ang binata na di naman kalakasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig nga ba ito? cahpter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon